PATULOY ang pagtulong ng Kapuso artist na si Mika dela Cruz sa mga kababayan niya sa Malabon at sa mga frontliner laban sa Covid-19.
Sunod-sunod ang pamimigay niya ng relief goods sa mga apektado ng pandemic at mga kapuspalad. Sa panibagong paraan, inilunsad naman ni Mika ang crowdfunding website na tinawag niyang SHARE THE CARE (PPE for our FRONTLINERS) na puwede ang sino man na gustong magbigay ng tulong pinansiyal para sa pagbuo ng ‘care pieces.’
Ibinahagi ni Mika na inabot siya ng ilang linggo para itayo ang Our CARE PIECES na binubuo ng CARE MASKS/CARE SHIELDS/ CARE SUITS na ipamamahagi sa mga piling ospital/medical centers sa Metro Manila.
“Our in-house team is capable of producing these pieces everyday. It would be great and much-appreciated if you can help us fulfill our mission by funding some of the said CARE PIECES! The more funds we raise, the more PPE’s we can donate and the more medical practitioners we can help!”
Pinaalalahan niya ang mga tao na magsama-sama para muling bumangon mula sa pagsubok na ito.
Rated R
ni Rommel Gonzales