NAPA-THROWBACK ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya nang makita ang Survivor Philippines button badge nila ng kaibigan at kapwa Kapuso star na si Maey Bautista.
Dating partners ang dalawang komedyante sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown na ang itinanghal na Sole Survivor ay si Betong.
Marami ngang good and not so good memories ang biglang naalala ni Betong nang makita ang mga button badge pero gaya ng pagiging survivor nila noon, ipinagdarasal ni Betong na “ma-survive nating lahat” ang napakalaking hamon na kinakaharap ng buong mundo—ang pandemic na Covid-19.
Sabi pa ni Betong, “’wag sana tayong mawalan ng pag-asa at tiwala sa Diyos. Always stay safe & healthy guys.”
Ito nga ang dasal nating lahat, ang maging “survivor” sa gitna ng krisis na ito.
Rated R
ni Rommel Gonzales