Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ken at Sanya, may pakiusap sa publiko — maging tapat at magtulungan

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa, nakiusap sina Kapuso stars Ken Chan at Sanya Lopez sa publiko na maging tapat at huwag magsinungaling ukol sa kanilang medical at travel history kapag magpapa-konsulta sa mga health worker.

 

Panawagan ni Sanya, mahalaga lalo sa panahon ngayon ang pagsasabi ng katotohanan para hindi malagay sa panganib ang buhay ng ating mga frontliner.

 

“Importante po ito para masiguro na tamang alaga ang maihahatid sa inyo at makaiwas po sa pagkalat ng sakit. Ang inyong tapat na sagot ay maaaring makapagligtas, hindi lamang sa inyong buhay ngunit pati na rin sa mga health worker at iba pang mga pasyente na kanilang inaalagaan.”

 

Hinikayat naman ni Ken ang lahat na magtulungan at sumunod sa mga patakaraan ng pamahalaan para masugpo ang pandemic na ito.

 

Dagdag pa niya, importante rin na pahalagahan ang ating kalusugan at ugaliing magdasal para sa kaligtasan ng lahat.

 

Aniya, “Mga Kapuso, sa panahon ngayon, kailangan po nating magkaisa para labanan ang banta ng Covid-19. Mag-ingat po tayo lagi at magdasal po tayong lahat dahil naniniwala po ako na lahat ng ito ay pansamantala lang at walang imposible sa ating Panginoon.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …