Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric, lalong nakikilala dahil sa galing sa Magkaagaw

MARAMI na ang nakakapansin na mas lalong humuhusay sa pag-arte si Jeric Gonzales.

“Thank you po na na-appreciate nila ‘yun pero siyempre ako, ‘pag nagpupunta ako ng tapings, gusto ko may bago palagi akong natututuhan, may bagong ipinakikita.

“Every work for me is a learning process so, mas gusto ko pang gumaling at paghusayan ang pag-arte ko.”

Ano ang pakiramdam niya na paganda nang paganda ang istorya ng Magkaagaw at tuluy-tuloy ang pagsubaybay ng fans sa serye?

“Sobrang grateful po kami kasi we never expected na aabot nang ganito katagal ang show namin. Thankful ako sa mga taong sumusuporta dahil kahit saan ako pumunta ngayon, alam talaga nila ‘yung kuwento at affected din sila. Nagagalit sila sa character ko dahil bakit daw mali ‘yung mga pinipili ko. I’m grateful kasi hindi madali ‘yung role ko rito. Challenging din siya. So, malaking learning ito sa acting career ko na magagamit ko in the future sa next projects ko pa.”

Ano na ang pinakamahirap na eksena niya sa Magkaagaw?

“Pinakamahirap siguro ‘yung nahuli ako ni Clarisse (Klea Pineda), noong nalaman niyang may babae ako, parang ang hirap i-explain sa asawa mo ‘yung pagkakamali mo at mahal na mahal ko siya sa kabila ng nangyayari. Ang hirap i-express pero naitawid naman namin.”

Ano ang feeling na marami ang kinikilig sa loveteam nila ni Klea at gusto ng fans ang kanilang loveteam?

“Masayang-masaya ako at masaya rin kami ni Klea. We’re happy and we’re supporting each other palagi. Nandyan kami lagi para sa isa’t isa.”

May something special o nag-level up na ba ang reason nila ni Klea?

“Palagi namang may level up na factor dahil lagi kaming magkasama at lalo namin nakikilala ang isa’t isa. Mas inspired kami mag-work together.”

Ano ang bagong discoveries nila ni Klea sa isa’t isa?

“Marami. Ang dami kosng discoveries kay Klea lately. Like sa mga pagkain kaya every time na pupunta ako sa taping, may dala akong pasalubong for her. ‘Pag pagod na siya, mahahalata mo talaga sa kanya pero ‘pag nilambing mo siya, parang nawawala na.”

Paano siya naapektuhan ng Covid-19 virus?

“Sobrang aware ako and my family kaya we all make sure na ready kaming lahat.

“Magandang aware kami sa mga dapat gawin lalo na pagdating sa hygiene katulad ng paghuhugas lagi ng kamay, hindi pagpunta sa mga mataong lugar, pagkain ng healthy food, at ‘pag hindi maganda ang pakiramdam, pa-check-up na agad.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …