SI Lovi Poe ay isang halimbawa ng tao na hindi basta kinalilimutan ang nakaraan.
“Ako I’m very sentimental. I don’t really hold on to the past but I have like this box, mayroon akong box na since grade six pa lang ako, na nandoon lahat ng letters ng mga classmate ko, graduation pictures nila na may mga pirma, nandoon lahat, since elementary ako.”
Mayroon din bang laman ang naturang box ng mga memento or souvenir mula sa mga ex-boyfriend niya?
“Honestly I have no… hindi ko siya… wala akong itinatapon because hindi ko napapansin wala na siya sa house,” at tumawa si Lovi.
Hindi siya nagtatapon or nagsusunog ng mga alaala mula sa kanyang past loves.
“No, no, I don’t. I’m very… parang hindi ko na siya napapansin, they’re probably just at home na hindi ko na lang alam kung nasaan exactly.”
Na hindi niya na binibigyan ng importansiya dahil may kalakip na sakit ang mga iyon?
“Hindi naman hurt, wala, basta hindi ko na napapansin. Parang it’s just part of my day-to-day life na andoon siguro siya sa bahay tapos hindi ko na napapansin.
“It’s like holding on to photos on social media, I don’t delete because I forget, parang I don’t have time to do that. Yeah, wala na akong time at saka hindi ko na siya iniisip.
“It won’t bother me at all.”
Dahil ayaw na niya roon sa tao?
“No naman, it’s just that things don’t bother me anymore. Parang yeah, things just don’t bother me anymore.”
Appreciated naman ni Lovi ang anumang natanggap niyang regalo mula sa isang ex-boyfriend.
“Of course these are memories and you appreciate those things.
“But it’s not like… it’s not something that you think about anymore. Of course it’s something you’re grateful for ‘di ba, at the end of the day.”
Rated R
ni Rommel Gonzales