Wednesday , December 4 2024

‘Lockdown’ man ‘yan o ‘community quarantine dapat ipatupad nang handa ng IATF-COVID-19

GAANO kahanda ang Inter-Agency Task Force COVID-19 sa pagpapatupad ng ‘lockdown’ o ng ‘community quarantine?’

Alam kaya o nagkakaisa kaya ang mga awtoridad sa kanilang pag-iisip kung ano ang itsura o ano ang mangyayari kapag ipinatupad nila ang ‘community quarantine?’

Mukhang ang sagot po sa dalawang tanong na ‘yan ay bold capital letters na “HINDI PA PO!”

Nang magsimula ang ‘community quarantine’ nitong araw ng Linggo, 15 Marso 2020, marami ang nag-akalang ‘successful’ ito lalo sa EDSA.

Walang tao, ang linis ng kalsada, walang traffic. E kasi nga, walang pasok sa trabaho at eskuwela. Lahat ng tao ‘e nasa kani-kanilang bahay.

Pero kahapon, araw ng Lunes, nakita at naranasan ng publiko ang ‘delubyo’ ng hindi handang implementasyon ng community quarantine.

Nakita na natin ito noong Linggo ng madaling araw. Nag-iimbudo ang mga motorista at commuters sa boundaries o checkpoints ng bawat bayan o lungsod, kasi ang nagsasagawa ng thermal scanning ay nag-iisa o dalawa o tatlo lang.

Bukod pa sa thermal scanning ang checking ng IDs at documents ng mga commuters at motorista.

‘E isipin n’yo naman kung iilan lang ‘yung nagte-thermal scanning, sa sandamakmak na motorista at mga pasahero, normal lang na humaba ang pila at mag-imbudo ang mga tao at ang mga sasakyan.

Kaya ‘yung sariling patakaran na ipinatutupad, e mismong ‘yung resulta ng implementasyon ang lumabag.

Paano na ang sinasabing social distancing?

Nasaan ang ‘social distancing’ kung mismong sa checkpoints ay halos nagkakadikit-dikit ang mukha ng mga nag-iimbudong motorista at commuters dahil iilang tao lang ang gumagawa ng thermal scanning?!

Hindi ba naisip ng IATF-COVID-19  na dapat mabilis ang ‘dispatching’ kasi nga nag-iingat ang bawat isa para huwag mahawa ng coronavirus?!

Naging tampok sa social media posting kahapon ang mga motorista at commuters sa boundary (Sapang Alat) ng San Jose del Monte, Bulacan, at Malaria, Caloocan City, na talaga namang nag-imbudo dahil nga mukhang iilan lang ‘yung thermal scanner.

Sa Commonwealth Ave., naman, ang southbound nito ay nahati sa linya ng mga naglalakad na pasaherong walang masakyan  at mga halo-halong sasakyan ng bus, UV Express, TNVS, private cars, at mga motorsiklo.

Kaya sa mga retratong naglabasan sa social media, nakita natin, hindi talaga maipatutupad ang ‘social distancing’ kung ang nagsasagawa ng thermal scanning ay nag-iisa lang.

Hindi ba puwedeng maging 20 o 50 personnel ang nagsasagawa ng thermal scanning para maging mabilis din ang andar ng commuters at ng mga sasakyan?!

Kung mag-imbudo man, sana’y matagal na ang limang minuto.

Isinusulat natin ang kolum na ito, narinig natin na magkakaroon daw ng briefing o press conference si Pangulong Rodrigo Duterte (na naman).

Wish lang po natin na sana’y maging maayos na ang sasabihin ng Pangulo.

Sana’y maiklaro nang husto kung ano talaga ang ‘hilatsa’ o ‘itsura’ ng sinasabi nilang ‘community quarantine.’

At sana’y nagkakaisa ang government officials sa pagtingin, pag-unawa, at larawan ng implementasyon kung ano ang ‘community quarantine.’

Higit sa lahat, sana’y maidetalye rin kung gaano kahanda ang IATF COVID-19 sa pagpapatupad ng ‘community quarantine.’

Kung sa mga susunod na araw ay ganito pa rin ang magiging itsura ng ‘community quarantine,’ palagay natin ‘e hindi naman tayo basta pumupuna lang kapag sinabi nating ‘PALPAK’ ang IATF COVID-19.

Ang mangyayari tuloy ngayon, e parang trial and error ang IATF COVID-19 sa implemen­tasyon ng ‘community quarantine.’

Umaasa tayo na magiging maayos na ito sa mga susunod na araw. Dahil hindi po tayo ‘naglalaro’ sa sitwasyong ito. Araw-araw ay nadaragdagan ang nahahawa ng COVID-19.

Gusto ba nating maging Italy na ngayon ay dinaraig pa ang China sa rami ng ‘fatalities’ sa loob ng isang araw!?

IATF COVID-19, hello!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *