Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin, kabado sa muling pagpapakilig sa Love Or Money

MASAYA si Coco Martin na isa ang kanilang pelikula ni Angelica Panganiban, ang Love Or Money sa walong entries na mapapanood sa nalalapit na Metro Manila Summer Film Festival 2020 sa Abril.

Magkahalong saya at pananabik ang nararamdaman ng actor sa kanilang  romantic comedy film na handog ng Star Cinema.

Hindi itinanggi ni Coco na kabado siya sa muli niyang pagpapakilig sa pelikula dahil, “bagong kombinasyon, and definitely ‘yung project, ibang-iba sa ‘Ang Probinsyano.’ Kasi ang tagal ko na sa ‘Probinsyano’ eh, ngayon excited ako kasi magbabalik ako sa drama and at the same time si Angge, napakagaling na artista sa drama and comedy kaya nakaka-pressure para sa akin.”

Sinabi pa ni Coco na talagang pinaglaanan niya ng oras ang Love Or Money. Humingi siya ng break para matapos nila ni Angge ang shooting. Kaya nga ang biruan noon eh, si Angelica lang pala ang makapagpapatigil sa Ang Probinsyano na apat na taon ng namamayagpag sa telebisyon.

Samantala, masaya rin si Angelica na nakasama niya sa pelikula si Coco. Sabi nga niya, “Ang tagal natin siyang nakikita sa ‘Probinsyano.’ Nag-’Probinsyano’ ako pero sandali lang, isang buwan lang, so iba rin ‘yung magiging experience na makagawa ng movie together. Ibang flavor naman ang gagawin niya, iba rin ang mai-oofer naming.”

Ang Love Or Money ay idinirehe ni Mae Cruz-Alviar at mapapanood na ito kasama ang iba pang pelikula sa Summer MMFF simula April 11, Black Saturday hanggang Abril 21 sa lahat ng sinehan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …