Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, nagsalita na ukol sa kanilang secret wedding

MAKALIPAS ang anim na araw matapos ang Christian wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli isang post ng aktor ang agad umani ng maraming likes at pagbati.

Nakakuha agad ng 541k likes at 38k comments na karamihan ay pagbati ang post ni Matteo na ibinabalita ang ukol sa kanilang pag-iisandibdib ni Sarah.

Aniya, “Yes, we got marries, Mr and Mrs Guidicelli.”

Ikinasal sina Sarah at Matteo noong February 20 sa pamamagitan ng isang Christian wedding na ang nagkasal ay ang pastor ng Victory na si Paolo Punzalan, anak ni Helen Vela.

Sa post na may picture nila ni Sarah habang may hawak ng wine at nagto-toast, ipinahayag ng aktor ang kaligayahan nila ng kanyang asawa sa naganap simula nang maging sila o sa simula pa lang ng kanilang relasyon.

First and foremost, We would like to express the overwhelming joy, love and excitement we have in beginning our life together.”

Sinabi pa ni Matteo na kinailangan nilang ilihim ang kanilang kasal dahil sa mga ilang pribadong usapin.

We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters.

Aminado si Matteo na perfect na sana ang gabing iyon kung hindi lamang may hindi magandang nangyari. Na ang tinutukoy nito ay ang naging pagsugod ng ina ni Sarah, si Mommy Divine. Dito’y itinanggi rin niya ang nabalitang may sinuntok siya.

That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never ‘punched’ anyone.”

Pinasalamatan din ni Matteo ang kanyang pamilya sa pagmamahal na ibinibigay ng mga ito kay Sarah, bilang bagong ka-pamilya.

“I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter.

“Our family is growing and we are blessed.

“Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family.”

Sinabi pa ni Matteo na umaasa siyang darating ang araw na magkakapatawaran at mawawala na ang galit sa isa’t isa.

“In time, with God’s grace and Love, everything will heal and fall into place.

“We are happy, we are blessed, and we are husband and wife!

Narito ang kabuuan ng post ni Matteo.

02 20 2020, A day full of pure love, honesty and genuine emotions. Yes, we got married. Mr and Mrs. Guidicelli.

First and foremost, We would like to express the overwhelming joy, love and excitement we have in beginning our life together. We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters.

Each and everyone of you have been part of our love journey and we want to say, Thank you. Friends, family and everyone on “social media” have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE.

That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never “punched” anyone. I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family.

I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter. Our family is growing and we are blessed. Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family.

In time, with God’s grace and Love, everything will heal and fall into place.

We are happy, we are blessed, and we are husband and wife! Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure honest LOVE. God bless everyone for your love and support!

Again, from the deepest part of our hearts thank you!

Sincerely,

Mr and Mrs. Guidicelli

#family #BLESSED #HappywifeHappyLife.” (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …