Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, limang pelikula pa ang gagawin

MABUTI na lang at tapos na si Sylvia Sanchez ng shooting ng Coming Home, na pinagtatambalan nila ni dating senador Jinggoy Estrada. At least, may time na siya para sa mister niyang si Art Atayde.

Nawalan kasi siya ng time kay Papa Art nong kasagsagan ng paggawa niya ng nasabing pelikula, and at the same time ay taping niya para sa drama series sa ABS-CBN 2, ang Pamilya Ko na Monday, Wednesday, at Friday ang taping. At sa Coming Home naman ay Tuesday, Thursday, at Saturday ang shooting.

At ‘pag Sunday, minsan ay nagkakaroon din ng work. Kaya ngayong bakante na siya ng TTHS, ilalaan niya ang oras sa pamilya at kay Papa Art.

Pero, magiging busy ulit ang award-winning actress sa paggawa ng pelikula, huh! Lima pa ang nakatakda niyang gawin.

O, ‘di ba, super in-demand talaga ngayon si Ibyang? Hindi siya nawawalan ng work. Bukod kasi sa mahusay na aktres. professional pa siya.

Samantala, isa na namang award ang mapapasakamay ni Ibyang. Isa siya sa pararangalan ng North Europe International Film Festival 2020 bilang Best Lead Actress In A Foreign Language Film para sa pelikula niyang Jesusa. O ‘di ba, international actress na si Ibyang? Hindi lang dito sa atin kinikilala ang husay niya sa pagganap, maging sa ibang bansa rin?

Our congratulations to Ms. Sylvia Sanchez.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …