Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Awra, ayaw pabayaan ang pag-aaral

KAKALABANIN ni Awra Briguela ang itinuturing niyang nanay-nanayan sa showbiz, si Vice Ganda. Magkakaroon din kasi siya ng noontime variety show sa IBC 13, ang Yes, Yes Yow! Makakatapat nito ang It’s Showtime, na isa sa host ang Unkabogable Star. Mapapanood ito tuwing Sabado, 11:30 a.m. to 1:00 p.m., na magsisimula na sa Abril 4.

Sa tanong kay Awra kung nagsabi o nagpaalam ba siya kay Vice na magkakatapat ang show nila, ang sabi niya, “Hindi po. Kasi hindi ko pa po nakakasama ulit si meme (tawag kay Vice), kaya hindi ko pa nababanggit sa kanya.

“And then naging busy din po kasi ako sa last project ko, na showing na po ngayon, ‘yung ‘James & Pat & Dave.’ Tapos nag-aaral pa po ako, regular student ako. Araw-araw po akong pumapasok. Grade 10 na po ako ngayon. Pero ayun, kahit sobrang dami ng project ko and everything, gusto ko pa rin pong ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

“Kaya ayun po, wala pong time na magkita kami ni meme, at siya rin naman po ay sobrang busy. Pero ayun po, hindi ko pa nasasabi kay meme.  Pero ‘pag nagkita na po kami ulit, babanggitin ko sa kanya.”

Pero anong pakiramdam na magkakatapat ang show nila?

“Sa tingin ko naman po, matutuwa si meme, and magiging proud siya sa akin. Kahit po magkaibang channel, basta alam niya po, may project ako, or nagagawa ko nang maayos ‘yung trabaho ko.”

Bukod kay Awra, ang ilan pa sa magiging host ng Yes, Yes, Yow! na produced ng SMAC Television ay sina Justin Lee, Mateo San Juan, Isaiah Tiglao, Rish Ramos, Karen Reyes, Jimboy Martin, at Patrick Quiros. Mula ito sa direksiyon ni Jay Garcia.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …