Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kyline, sobrang kinabahan kay Nora

ISA si Kyline Alcantara sa cast ng bagong afternoon drama series ng GMA 7, ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit, TV adaptation ng pelikula ni Nora Aunor noong 1989. Gumaganap siya rito bilang anak ni Mylene Dizon.

“Ako po rito si Maggie dela Cruz. Isa po akong brat dito,” sabi ni Kyline ukol sa kanyang role.

Kasama rin sa serye ang bida sa movie version na si Nora. Aminado si Kyline na sobrang kaba ang nararamdaman niya kapag nakakaeksena  ang Superstar.

“Sobrang kinakabahan po, kasi superstar po,” sabi ni Kyline.

Masasabi ni Kyline na surreal experience na makasama niya sa isang serye si Nora.

“It’s surreal for me, kasi wala pong artista na hindi nangarap makasama si Miss Nora Aunor.”

Nangako ang dalaga na gagalingan ang pag-arte, dahil bukod kay Nora ay mahusay din ang kanilang direktor na si Laurice Guillen.

“Kina­ka­bahan po ako. Kinakaba­han po ako sa buong teleserye. Siyempre po, lahat tayo, gustong maging successful itong ‘Bilangin Ang Bituin Sa Langit.’

“Kinaka­bahan po ako sa reaksiyon ng ating mga Kapuso all over the world, kung paano nila maa-appreciate itong ‘Bilangin Sa Langit.’ Ang wish ko lang po rito, hindi ako masigawan ni Direk Laurice,” sabi pa ni Kyline na natatawa.

MA at PA
ni Rommel Placente

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …