Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yayo, mas ikamamatay ang walang trabaho kaysa BF

NOONG nakita namin ang dating mag-asawang sina Yayo Aguila at William Martinez sa special screening ng Mia, na gumaganap sila rito bilang mag-asawa ay niloko namin sila na baka nagkabalikan sila noong ginagawa ang pelikula. Pero kapwa hindi ang naging sagot nila.

Sabi namin kay Yayo, baka naman kasi may boyfriend na siya. Pero sagot niya, wala. Ganoon din si William, noong lokohin din namin siya na baka may girlfriend na siya, ang sagot niya rin ay wala.

Biro pa ng dating matinee idol, kung maggi-girl friend siya, baka magpapa-load lang ito sa kanya.

Sa isang interview ni Yayo, sinabi niya na hindi siya naghahanap ng boyfriend.

“Naku! Ayaw ko. Mas gusto kong magtrabaho. Honestly, kapag nagdarasal ako gabi-gabi, ‘Lord, okay lang, huwag mo akong bigyan ng love life kasi hindi ko naman ikamamatay ‘yon. Pero ‘yung wala akong trabaho, ikamamatay ko ‘yon.’ Hindi ba?” sabi ni Yayo.

Dagdag pa niya, “Para sa akin habang kaya ko pang magpuyat, mag-memorize ng lines, kaya pang umarte, mas gusto kong magtrabaho. Kung bibigyan ako ng love life, why not? Pero bonus na lang ‘yon, kung wala eh ‘di okay lang.”

Kung ganyang pareho pa ring single sina Yayo at William, hindi kaya dumating ang time na magkabalikan sila? Baka sila pa rin talaga ang para sa isa’t isa, ’di ba?

Well, abangan na lang natin kung may balikang mangyayari sa dalawa.

(ROMMEL PLACENTE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …