NAPAIYAK sa kanyang acceptance speech si Regine Velasquez-Alcasid nang ialay ang award sa namayapang ama, si Mang Gerry. Nangyari ito sa katatapos na 11th Star Awards for Music, noong Huwebes, January 23, sa SM Skydome North Edsa.
Ang award ay ang Pilita Corrales Lifetime Achievement na hindi napigilan ni Regine na mapaiyak. Nami-miss na raw niya kasi ang kanyang ama.
Si Mang Gerry kasi ang kasa-asama niya lagi noong nabubuhay pa ito.
Pinasalamatan naman niya ang mister na si Ogie Alcasid dahil mula nang mamatay ang ama ay ito na ang nagsilbing inspirasyon sa kanyang buhay.
Narito ang major winners sa iba’t ibang kategorya.
Album of the Year—Queen Of Soul (Jaya), Star Music; Song of the Year— Buwan (JK Labajo), MCA Music, Inc.; Male Recording Artist of the Year—Christian Bautista (Aking Mahal), Universal Records at Jed Madela (‘Di Matitinag), Star Music; Female Recording Artist of the Year—Moira dela Torre (Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko), Star Music; Concert of the Year—Lea Salonga, The 40th Anniversary Concert; Make Concert Performer of the Year—Ogie Alcasid (OA 30th Anniversary Concert, ABS-CBN Events, Star Events and A Team;
Female Concert of the Year—Morisette Amon (Lani|Morisette: A Musical Journey); Male Pop Artist of the Year—Erik Santos (Nais), Star Music at Marlo Mortel (Habang Ako’y Mag-isa), Star Music; Female Pop Artist of the Year—Janah Zaplan (‘Di Ko Na Kaya), Ivory Music; Pop Album of the Year—Until I See You Again (Alden Richards), GMA Records; Duo-Group Artist of the Year— TNT Boys (Show Me A Smile), Star Music; New Female Recording Artist of the Year—Jayda Avanzado (Happy For You, Star Music) at Via Ortega (Paghanga, Viva Records); New Male Recording Artist of the Year—Garrett Bolden (Lilipad Na, GMA Music) at Gari Escobar (Baguio, Ivory Music).
MA at PA
ni Rommel Placente