Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sakdamakmak na picture ni Ion kay Catriona, pinagselosan ni Vice Ganda

PINAGSELOSAN pala ni Vice Ganda si Catriona Gray. Sa Gandang Gabi Vice kasi noong Sunday, ay may game silang ginawa na tinawag na Sagot O Lagot. Ang guest ni Vice sa segment na ito, ay ang magkaibigang sina Robi Domingo at Donny Pangilinan.

Magtatanungan silang tatlo, na ang isasagot nila ay Sagot O Lagot. Pero bago ‘yun. may intrigang question, na kung gusto o kaya nilang sagutin, ay sagot ang pipiliin nila. Pero kung ayaw naman nilang sagutin, ay lagot ang pipiliin nila. Pero ‘pag ‘yun ang pinili nila, ay may challenge/punishment na ipagagawa ang nagtatanong.

Sa question kay Vice ni Robi, tanong nito, “Sino ang huling artistang pinagselosan mo?” Sagot ang pinili ni Vice, kasi ayaw niya ‘yung challenge na ii-Instagram niya ang kilikili niya ‘pag lagot ang pinili.

Sagot ni Vice, “Si Catriona. Hindi! Kasi kailan ba ito? Sunday? Oo! First time ni Catriona sa ‘Showtime,’ Monday. So, Sunday ng gabi. Sa Twitter, pagbukas ko nagkalat ‘yung pictures nilang dalawa (Ion-Catriona), ang dami.

“Noong una, wala lang naman, ka-chika ko naman si Cartriona. At saka alam ko namang wala lang ’yun. Nagkita sila somewhere, nagpa-picture. Pero ang dami. Nainis ako, at some point, hindi ko alam.

“Tinanong ko sa kanya. Sabi ko, ‘Kailan ‘to?’ Sabi niya, ‘Ay ano pa ‘yan, kapapanalo ko pa lang noong Mister Tsutsutsutsu.’ Hindi pa ako nagso-‘Showtime.’ Tapos may nakita  ulit ako, ibang lugar naman, at saka ba’t  ang dami? Kunwari ako magpapa-picture ako kay Catriona, sa unang pagkikita namin, ‘di ba? Pero tuwing magkikita kayo, magpapa-picture kayo?”

Tanong ni Robi kay Vice, “Nag-usap na kayo ni Catriona tungkol doon?”

“Hindi. Ang cheap-cheap naman niyon. Sasabihin ko pa ba kay Catrinona ‘yun? ‘No!” sagot ni Vice.

Tanong naman ni Donny kay Vice, “Pero hindi  naman kayo nag-away ni Ion?”

“Ay hindi! Hindi naman. Hindi kami nag-aaway,” natatawang sagot ni Vice.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …