Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza may pakiusap kay Digong — I hope maging bukas ‘yung puso niya sa lahat ng smaller employees

BALIK-TELESERYE ang magka-loveteam at magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil via Make It With You. Sa serye ay gumaganap si Liza bilang si Billy, ang raketerang gagawin ang lahat para kumita at makapagpadala ng salapi. Si Enrique naman ay si Gabo, ang binatang mapa­padpad sa Croatia sa kagustuhang mahanap ang  sarili.

Sa presscon ng Make It With You tinanong si Liza kung ano ang craziest thing na nagawa niya just to make it with each other, sila ni Enrique.

“I think the craziest thing was.. kasi siyempre, 17 lang ako noong maging kami (ni Enrique), so, ipinaglaban ko ‘yung relationship. Kasi bawal pa akong mag-boyfriend noon, pero matigas ‘yung ulo ko. Sabi ko sa daddy ko, ma­saya ako. Kung gusto mo akong maging masaya, payagan mo ako,” natatawang sabi ni Liza.

Sa sinabing ito ni Liza, tinanong si Enrique kung paano niya ipinakita sa daddy ni Liza na karapat-dapat siyang ipaglaban nito? Ang sagot niya, ”Ay naku, grabe rin. Siyempre ipinakita ko lang ‘yung sarili ko. I just presented myself na ito ako, I’m not…basta I just presented myself. I’m not pretending anything. And one thing slowly enough, he saw it.”

Samantala, tinanong sina Liza at Enrique kung anong reaksiyon at mensahe na gusto nilang iparating kay President Rodrigo Duterte tungkol sa sinabi nito na  hindi niya na pipirmahan ang franchise ng ABS-CBN 2, ang mother studio ng dalawa, na mag-i-expire sa  March 30, 2020.

Tanging nasabi ni Enrique, ”Actually, sa birthday ko po ‘yun. Sakto sa birthday ko.”

Sabi naman ni Liza, ”I believe that he’s understanding. Alam naman niya na maraming maaapektuhan. It’s not just the company itself, but all the employees. And I’m sure he has a generous and understanding heart. So, I hope he wakes up one morning, and he thinks about it again. And maging bukas ‘yung puso niya sa lahat ng smaller employees na nangangailangan ng trabaho.”

Ang Make It With You ay mapapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN 2, pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsiyano. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano at sa panulat ni Mark Angos.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …