Thursday , December 26 2024
arrest posas

Siyam taon nagtago… Pumatay sa nobya nasakote sa Laguna

NAHULI na rin ng mga ope­ratiba ng Pasay City Police sa ikinasang follow-up operation ang tinagu­riang no. 1 most wanted sa lungsod dahil sa pagpas­lang sa kanyang nobya noong taon 2011.

Kinilala ni Pasay City Police chief P/Col. Bernard Yang, ang inarestong suspek na si Kristoffer Von Moraleja, 27, binata, jobless ng Sarrial St., Barangay 95 Zone 11, Pasay City.

Ayon kay P/Col. Yang, nahuli si Moraleja nitong Miyerkoles dakong 11:00 pm sa Barangay Alibung­bungan, Nagcarlan, Laguna nang magsagawa ng follow-up operation ang kanyang mga tauhan.

Sa ulat ni P/Lt. Allan Valdez, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police, naka­tanggap sila ng impor­masyon sa pinagtataguan ng suspek sa nasabing lugar.

Bumuo ng team si Val­dez at nagsagawa ng follow-up operation para mahuli ang suspek na matagal nang wanted dahil sa kasong murder sa pag­patay sa nobyang si Mizzille Jamyka Cruz Gutierrez, noong 1 Pebrero 2011.

Nakipagtulungan ang Nagcarlan, Laguna Police Station sa Pasay City Police para masakote si Moraleja sa pinagtataguan nito sa nasabing lalawigan.

May nakabinbing warrant of arrest sa kasong Murder ang suspek sa ilalim ng Criminal Case No. R-PSY-11-03639-CR, na ipinalabas ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Tingaraan Guiling ng Branch 109.

Nang mahuli si Moraleja, agad dinala ng Nagcarlan Municipal Police Station sa Pasay City Police ang suspek.

Ibabalik ng Warrant & Subpoena Section ng Pasay CPS ang Alias Warrant of Arrest sa RTC Branch 109 para mailabas ang Commit­ment Order sa akusadong si Moraleja para ilipat sa Pasay City Jail.

Walang ibinigay na pahayag ang suspek kaugnay sa ginawa niyang pagpatay sa nobya.

“Sa korte na lamang po ako magsasalita,” aniya.

Napag-alaman na si Mora­jela ay halos siyam na taon nagtago sa kanilang probinsiya. (j. GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *