Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayver, tiniyak ang pagdalo sa kasalang Sarah at Matteo

UMALMA si Janine Gutierrez noong in-announce ng GMA 7 na magbabalik-telebisyon si Sen. Bong Revilla, na mapapanood sa programang Agimat Ng Agila. Naging kontrobersiyal ang two-word tweet niya niyang, “Oh God” kontra sa anunsiyo na ito ng nasabing network.

Nang makarating ang tweet na ‘yun ni Janine sa talent manager ni Sen. Bong na si Lolit Solis ay binuweltahan nito ang panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Cristopher.  Nagpakawala ito ng maaanghang na salita laban sa aktres.

Dahil dito kinunan ng pahayag ang boyfriend ni Janine na si Rayver Cruz tungkol sa batikos ni Lolit at ng mga tagahanga ni Sen. Bong, na kung ano-ano rin ang sinabi laban sa GF aktres, sa pamamagitan ng social media accounts.

Ayon kay Rayver, inalo niya si Janine noong kasagsagan ng isyu nito kay Sen. Bong.

“Siyempre nandito naman ako palagi parati para sa kanya, eh,” sabi ni Rayver sa interview sa kanya ng Pep.ph.

“Puno ako ng paghanga sa kanya sa paninindigan niya sa personal niyang pananaw sa isyu kay Sen Bong. Because lahat naman ng tao may kanya-kanyang opinion. ‘Di mo naman… kahit sino sa atin…

“’Yun lang nakaka-proud sa kanilang magkakapatid, kasi kaya nilang tumayo sa sarili nila. Magagaling silang magkakapatid. Silang apat, very well-raised,” sambit pa ng actor.

Ang tatlong kapatid ni Janine na tinutukoy ni Rayver ay sina Jessica, Maxine, at Diego.

Hiningan din ng pahayag si Rayver tungkol sa isang taon nang engage ang ex-girlfriend niyang si Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli.

“Oo nga, congrats, congrats!” nakangiting sabi niya.

Kaibigan ni Rayver si Matteo, kaya siguradong iimbitahan ito sa kasal ng dalawa. At dadalo naman siya.

“For sure, invited ako roon. Si Matt pa! ‘Pag in-invite ako ni Matt, a-attend ako.”

Walang ilangan kina Rayver at Matteo kahit pa naging girlfriend din ni Rayver si Sarah.

“Never. Kahit tanungin mo siya (Matteo).”

Walang pagkakataong nakita niya si Sarah kasama si Matteo. Pero giit ni Rayver, “Pero ‘pag nagkita kami ni Sarah, okay naman. Huwag mo na lagyan ng… Matagal na ‘yun, ang babata pa namin!”

MA at PA
ni Rommel Placente

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …