Friday , January 10 2025

Bansa at mamamayan ipinahiya ni Cayetano

NAIS daw paimbes­tiga­han ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte ang mga katiwalian sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), ang priba­dong Foundation na namahala sa 2019 South­east Asian Games na kasalukuyang idina­raos sa bansa.

Sa PHISGOC Founda­tion na pinamumunuan ni House Speaker Alan Peter Cayetano napunta ang P1.5-B mula sa bilyon-bilyong pondo na inilaan sa 30th SEAG para sa broadcast expenses, talent fee, ocular site visits, special meetings, workshop and training, gametime medical requirements, fixtures, and other operating expenses.

Hanggang ngayon, patuloy pang nagbibilang at humahakot ng reklamo ang organizing committee mula sa mga atleta ng mga dayuhang bansang kalahok sa SEAG.

Hindi ba’t una nang dinepensahan ni Pres. Digong si Cayetano at sinabi na walang anomalya sa nabulgar na P55-M cauldron?

Palibhasa, nabantad na ang publiko kaya mukhang wala namang sumeseryoso at nanini­wala na may kahahantungan ang imbestigasyon sa mga ugok, este, PHISGOC.

Una vez, mapananagot ba si Cayetano sa sinandok na P55-M para sa kalderong hindi naman gawa sa ginto?

Sa ating pagkakaalam, Foundation ang pinakamabisang paraan o modus upang ang sinoman sa pamahalaan ay hindi mapanagot sa krimen ng pagnanakaw at pandarambong.

Hindi ba’t ganyan din ang ginawa ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada – ang perang kinita niya mula sa ‘jueteng’ ay ipinasok sa Muslim Youth Foundation?

Simula pa lang, kaduda-duda na kung paanong si Cayetano na isang mambabatas at naturingang house speaker ay nagawang mapasok ang proyekto para sa pagdaraos ng SEAG sa bansa.

Paano naaatim ni Cayetano na ibintang sa iba ang mga kapalpakan gayong siya ang kumukumpas sa SEAG at hindi ang kanyang mga sinisisi?

Ang mga reklamo sa mga kapalpakan sa pagdaraos ng 30th SEAG ay habang panahon nang magsisilbi na isang katatawanan sa mundo at malaking kahihiyan para sa bansa at mamamayan, ganito ang ating mababasa na tala sa kasaysayan:

INDONESIA

“Indonesian media outlet Suara Indonesia reported that the Indonesian contingent was neglected at the 2019 SEA Games after its national polo team waited for three hours at the Ninoy International Airport for transport to their hotel.

Indonesian news site detik.com also took notice of the unfinished Rizal Memorial Stadium, asking why isn’t the stadium fixed?”

THAILAND

Thailand’s Bangkok Post reported Akira Nishino slammed SEA Games organizers for their failure to provide adequate facilities.

“I would want the players to have a good environment and good perfect meal. I’m wishing the organizers can provide [that] for our team players, Nishino said, according to Bangkok Post.

Fox Sports Asia also reported the Japanese football coach revealed his team had to train on the streets “due to the distance between their hotel and the training pitch.”

SINGAPORE

“Strait Times reported that the Singaporean team sent a letter to organizers, seeking urgent and immediate attention to issues experienced by their athletes in the Philippines, such as lack of inadequate food.”

MALAYSIA

“News site The Star Online reported Malaysia’s football contingent man­ager Datuk Seri Subahan Kamal said they would have to manage since some stadiums were not completed.

The dressing rooms are still under renovation. But, we have a big game against Myanmar tomorrow, and our focus is on that match. We just want a good start, Kamal said.

CAMBODIA

“Khmer Post reported that the Cambodian team was in a tragic situation where they slept, after they laid on a function area’s floor for almost five hours, waiting for their respective rooms at the hotel.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: lapidfire_14@yahoo.com)

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

YANIG ni Bong Ramos

Another year over, a new one just begun

YANIGni Bong Ramos WAGI at napagtagumpayan nating tapusin at lagpasan ang lumipas na taon 2024 …

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *