Monday , December 23 2024

A well-deserved promotion Gen. Montejo!

IBA talaga kung ikaw ay performing police official, napakabilis bumalik sa iyo ang good karma. Ops, hindi good karma ang tawag diyan kung hindi pagpapala mula sa Panginoong Diyos which a humble leader deserved it.

Mali rin sabihing suwerte dahil hindi naman sugal na mapapanalunan ang pagiging isang mataas na opisyal o makakukuha ng promosyon at sa halip, ito ay pinaghihirapan – dugo’t pawis ang puhunan.

Tinutukoy natin ang promosyon ng makatao at mapagpakumbaba na si Acting Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen. Ronnie S. Montejo. Teka, acting QCPD director? No! Heneral na e, bale District Director na.

Nitong nakaraang Huwebes, 21 Nobyembre 2010, matapos ang dalawang buwan sa posisyon – acting QCPD district director, bumaba ang order para sa promosyon ni Montejo. Isa na siyang heneral. Congratulations sir.

Marahil, nagtaka ang marami kung bakit tila napakabilis ng promosyon ng opisyal. Mabilis nga ba? Hindi naman po kung hindi, ang lahat ay base sa performance ni Montejo hindi lamang sa pagiging acting director ng QCPD kung hindi marami pang pinabasehan. Kung baga, akala lang ng lahat na napakabilis dahil sa dalawang buwan pa lamang siya sa QCPD.

Anyway, hindi naman porke DD ka na ay awtomatikong mapo-promote na e, paano kung hindi ka naman performing official. Do you think magiging isa kang heneral?

Hindi maipagkakaila na noon pa man ay performing official na si Montejo sa QCPD o bago bumalik sa QCPD. Nang maging pulis-Kyusi siya noong 2007, malaki rin ang naiambag ng opisyal sa paulit-ulit na parangal na nakuha ng QCPD – ang “Best Police District.”

Nang maging station commander si Montejo sa ilang estasyon ng QCPD, hindi matatawaran ang mga accomplishment ni Montejo sa aspekto ng kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga dahilan para makuha niya ang ranggong “Senior Superintendent” mula sa ranggong “Superintendent.”

Hindi naman agad nakuha ni Montejo ang promosyon kung hindi bumilang din siya ng taon para maging full-pledged colonel. Kung baga, talagang pinagsikapan ng mama ang lahat – dugo’t pawis ang itinaya. Pinagpala ang opisyal at hindi sinuwerte.

Inuulit ko, ang suwerte kasi ay nagagamit lang sa sugal at hindi sa pinagsikapan o pinaghirapan.

Nakita ang trabaho ni Montejo kaya, kinuha siya bilang Provincial Director ng Laguna Provincial Police Office.

Sinuwerte nga ba ang mama? Hindi po kung hindi deserving ang opisyal dahil ang lahat ay base sa performance at hindi suwerte na binola sa tambiolo.

Habang nasa Laguna, hindi nagbago ang opisyal – sige pa rin sa pagtatrabaho. Malaki rin ang ibinaba ng krimen sa lalawigan. Isa lamang sa malalaking accomplishment sa lalawigan ang mabilisang pagresolba niya sa isang nangyaring bank robbery sa isa sa bayan ng Laguna.

Tahimik lang si Montejo, kunsabagay talagang tahimik na opisyal ang heneral – mabait at palangiti at bihirang magalit. Kung magalit man, malambing pa rin. Alam n’yo naman ang mga Ilonggo, mala­lambing.

Hayun, makaraan ang ilang buwan sa Lagu­na, kinuha para maging Deputy District Director for Administration sa Northern Police District (NDP) si Montejo. Tumagal din siya sa norte, hanggang nagulat na lamang ang marami, siya pala ang uupong District Director ng QCPD.

Kung sino-sino pa ang pumutok na uupo, si ganito kesyo si ano pero hindi naman pala. Hanggang isang araw, nakakuha tayo ng info na si Montejo ang siguradong uupo sa QCPD. Tinawagan natin ang mama. Nagulat siya ba’t natin alam. Siyempre, binati na natin ang opisyal.

Makaraan, umupo na nga siya bilang acting DD ng QCPD. A well-deserved promotion sa isang tahimik na opisyal pero, hindi matatawaran ang pagtatrabaho para sa mamamayan.

Ngayon, isa nang ganap na heneral si Montejo. Congratulations sir for a well-deserved promotion.

Simula nang bumalik si Montejo sa Kyusi, 17 Setyembre 2019, hindi rin matatawaran ang kanyang giyera laban sa kriminaldad at droga bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Duterte.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *