Thursday , December 19 2024

Pagbatikos kina Leah at Jim, ‘di na tama

NAPAPAILING na lang kami kung bakit nakaangkla ang pagbatikos sa mga 70s OPM artists na sina Leah Navarro at Jim Paredes base sa kanilang lantarang political color.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na Dilawan ang dalawang mang-aawit na sumikat sa kanilang panahon. At habang marubdob nga nilang ipinagtatanggol ang mga politikong hindi kaanib ng administrasyon ay ganoo na lang kung kamuhian nila ang kasalukuyang liderato ni Pangulong Duterte.

That’s the essence of democracy, after all.

Pero pagdating ba naman sa mga isyung wala nang kinalaman sa politika at pagiging anti-Duterte nila’y idinadamay pa rin?

Kamakailan, pinalagan lalong-lalo na ng mga taga-Davao sa Mindanao ang simple at patanong na post ni Leah sa kanyang social media account na, “Retribution?” noong yanigin ang parteng ‘yon ng malakas at mapaminsalang lindol.

Translated, karma o pagbabayad-utang para sa kasalanan o atraso ang ibig sabihin ng salitang ‘yon, na siyempre’y hindi nagustuhan ng mga tagaroon.

Bagama’t humingi na ng paumanhin si Leah sabay bura ng kanyang ipinost ay idineklarang persona non grata.

Na ang ibig sabihi’y bawal siyang tumapak sa Davao anuman ang kanyang pakay doon.

Iba naman ang kaso ni Jim na pumalag sa pagbibigay ng isang fantasy drama series ng GMA kay Senator Bong Revilla. May kinalaman kasi ito sa kasong pandarambong na kinaharap ng senador, dahilan para makulong siya ng apat na taon.

Ang unang umalma siyempre sa post ni Jim ay ang manager ni Bong na si Lolit Solis. Bago raw kasi mamuna ang singer ay tingnan daw muna nito ang kanyang sarili kung siya’y sakdal-linis.

Nakalimutan na raw ba ni Jim ang kinasangkutan niyang video scandal na hindi gawain ng isang lalaking umabot na sa kanyang edad? Sang-ayon din ang ilan sa punto ni Lolit.

Salungat naman kami.

For kids o pambata ang iniaalok na fantasy drama series kay Bong. Obviously, ang captive audience nito’y mga batang paslit na nagkakaisip na’t dapat lang matuto ng magagandang values sa buhay.

Dahil nga mga bata, tiyak na hindi sila aware sa buhay-politika ni Bong na siya nga namang bibida sa serye na ‘yon ng GMA.

Sa paanong paraan ilalarawan ng kanilang mga magulang si Bong? At kahit pa hindi nila usisain ang kanilang mga magulang o mas nakatatandang kasambahay, these kids will find a way themselves.

Posibleng magsaliksik sila sa pamamagitan ng Google. And presto! Roon na tatambad sa kanila ang plunder case na kinaharap noon ni Bong at pinagdusahan sa kulungan.

Kami man ang mayroong batang nakatutok sa serye, allowing them to enjoy watching it is like sending a wrong signal to them tungkol sa wastong values formation na sa kanilang murang edad ay itinuturo na.

Sa mismong tahanan. At reinforcement na lang ang kanilang matututuhan sa paaralan.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Nadia Montenegro  Sophia Baron Geisler Mikee Quintos

Sophia sa pagpapalit ng apelyido — I’m very proud sa kung anong mayroon ako ngayon

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng mag-inang Nadia Montenegro at Sophia sa Lutong Bahay hosted by Mikee Quintos, napag-usapan ang  …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *