Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

12 tulak sa HVT list tiklo sa Candaba

KALABOSO ang kinabag­sakan ng 12 hinihinalang notoryus na drug pushers na sinasabing high value target (HVT) drug per­sonalities sa talaan ng pulisya, nang masakote ng mga operatiba ng Candaba Police Anti-Illegal Drugs Enforcement Unit, sa paki­kipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency – 3 (PDEA3), sa serye ng buy bust operations sa mag­kakahiwalay na lugar sa  bayan ng Candaba, lala­wigan ng Pampanga.

Nabatid sa isinumiteng ulat ni P/Lt. Col. Arjun Bu­claras Luig, hepe ng Canda­ba Police, sa tanggapan ng bagong PRO-3 Director na si P/BGen. Rhodel Orden Sermonia, kabilang sa mga nasakote nina P/Lt. Romel Basco at P/SSgt. Fernando Gacusana, Jr., ang magka­patid na tulak na sina Albert at Gilbert Medina ng Bgy. Mapaniqui; magkasintahang sina Michael Pangilinan at Karen Arcilla ng Bgy. Vizal Sto. Cristo; dating sundalong si Jovito Solima ng Bgy. Salapungan; Michael Galang ng Bgy. Mapaniqui; Emma­nuel Sagum, alyas Manny; Hanza Lazada; Andy de Guzman; Dinisio David; Louie Tubig; at Michael Vinuya.

Nakompiska rin sa dating sundalong si Solima ang isang kalibre .38 baril na may limang bala, at pitong small heat-sealed plastic sachet ng shabu.

Ayon kay P/Lt. Col. Luig, ‘humihimas na ng malamig na rehas’ ang mga arestadong suspek sa Pampanga Pro­vincial Jail na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165.

(LEONY AREVALO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leony Arevalo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …