Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LAKING pagsisi ng guwardiyang si Rusty Sison, habang inaayos nina P/Cpl. Darwin Parayno, P/SSgt. JayR Dela Cruz, at P/Cpl. Albert Angeles ang baril, mga bala, at shabu na nakompiska sa suspek sa harap nina Kagawad Ric Dungo, kinatawan ng DOJ at media, matapos ang serye ng buy bust operations sa magkakahiwalay na mga lugar sa bayan ng San Simon sa lalawigan ng Pampanga. (Kuha ni LEONY AREVALO)

Sekyu timbog sa baril at shabu, 5 tulak tiklo sa buy bust

ARESTADO sa mga ope­ratiba ng San Simon Police Anti-Drugs Special Operation Unit ang isang guwardiya at limang lalaking hinihinalang kilabot na tulak ng ipinag­baba­wal na gamot na pa­wang nasa listahan ng most wanted drug personalities sa bayan ng San Simon, lalawigan ng Pampanga, makaraang isagawa ang anti-drug buy bust ope­rations sa magkaka­hiwalay ng lugar sa natu­rang bayan.

Base sa ulat ni P/Maj. Freddie Herry, hepe ng San Simon Police, sa tangapan ni P/Col. Jean Fajardo, Pampa­nga Police Provincial Direc­tor, matagal nang mina­man­manan nina P/Cpl. Jan Aaron Abrenica at P/SSgt. JayR Dela Cruz ang mga suspek na kinilalang sina Rusty Sison Tayag, 39 anyos, security guard, ng Bgy. San Pedro Cutud, lungsod ng San Fernando, Pampanga, na nahulihan ng isang kalibre .22 baril, walong bala, at apat na pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihina­lang shabu.

Samantala, nasakote din nina P/Cpl. Darwin Parayno, P/Cpl. Albert Angeles, P/SSgt. Edilberto Aquino, at Pat. Jessa Cabalic ang limang hinihinalang mga tulak na pawang nasa listahan ng drug personalities ng pulisya na sina Ruel Minor Amiano ng Bgy. San Simon; Benzon Jake Dumanos ng San Fernando; Ian Serrano Bie ng San Agustin; Ferrylyn Serrano ng San Pedro Cutud; at Rogelio Falautila ng Pasay City, matapos ang ikinasang anti-illegal drugs operation.

Ayon kay Herry, naka­takdang sampahan ng ka­song  paglabag sa RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act, at kasong RA 1059 o Illegal Possession of Firearm and Ammunition ang mga suspek.

(LEONY AREVALO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leony Arevalo

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …