Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marjorie, may mga pasabog pa; Julia, kailangan ng matinding damage control

ANO na ang nangyari, natameme na ba si Marjorie Barretto at hindi na pinakawalan ang sinasabi niyang pasabog? Natameme na rin ba si Julia Barretto na sinasabi ng mga witness na nagsisisigaw pa noong nagkakagulo sa burol ng lolo niya?

Talagang dapat matameme na silang mag-nanay dahil kung pag-aaralan mong mabuti, ang tatamaan nang matindi niyan iyang si Julia. Siya iyong nag-aartista eh. Siya ang nanga­ngailangan ng public accep­tance. Dapat niyang ma-realize na mas sumikat si Gretchen Barretto at kuha niyan iyong nasa age level niya. Sumikat din nang husto si Claudine at naging totoong prime time queen noong araw. Matindi pa rin ang following niyan. Kung kakalabanin mo iyan, ano nga ba ang makukuha mong suporta eh hanggang ngayon naman starlet pa lang siya.

Hindi pa siya nakakawala sa dating controversy nila ni Bea Alonzo, at ano man ang sabihin niya, kung pakikinggan niya ang sinasabi ng netizens, dehado siya sa labang iyon. Mas nakalamang si Bea, na inaasahan naman dahil mas sikat talaga si Bea at mas maraming followers.

Paano siya makaaangat kung puro controversy na tagilid siya sa laban?

Kaya iyang panawagan niya sa “understanding”, “privacy” at “kindness” bahagi na iyan ng damage control. Hindi iyan ang isinisigaw niya kay Claudine noong inaaway nilang mag-nanay, na nakita at narinig ng maraming witness. Iba ang narinig na dalawang beses niyang isinigaw noong unang awayan. Ayaw na lang naming sabihin kung ano, kasi hindi kami nagsasalita ng ganoon.

Eh ngayon may project pa pala siya. Kailangan talaga ang matinding damage control. At ang unang magandang magagawa nila, tumameme na lang muna.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …