Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, napakahusay, lalong mamahalin sa Unforgettable

TAMA ang tinuran nina Direk Jun Lana at Perci Intalan na mamahalin lalo si Sarah Geronimo kapag napanood ang Unforgettable dahil napakagaling niyang nagampanan ang karakter niya bilang si Jasmine, isang gifted special child na hangad ang mapagaling ang lolang may sakit, si Gina Pareño sa pamamagitan ng pagpapakita sa alagang aso, si Milo.

Kakaibang Sarah nga ang napanood namin sa pelikula. Unique kumbaga ang kanyang karakter. Napakagaling niya. Nakita namin ang ikinuwento nina Direk Jun at Perci na walang kaarte-arte ang aktres nang gawin ang eksenang nahulog/nadulas sa ilog. Doo’y walang kiyeme si Sarah na tumapak sa putikan, dumausdos sa lopes, at nalubog sa tubig na feeling ko nga, malamig ang tubig at matagal-tagal din ang pagkakababad niya sa tubig ha, pero okey lang.

Maraming dramatic moments si Sarah na talaga namang bato ka na kung hindi ka maiiyak. Talagang makadurog puso ang pag-iyak niya nang nawala si Milo at nang hindi na magising ang kanyang lola. Grabe ang iyak doon ni Sarah, iyong iyak ng isang paslit.

Kita rin sa pelikula na mahilig talaga sa aso si Sarah dahil parang ang tagal-tagal na nilang nagba-bond ni Milo. Kaaliw ang mga tagpo nilang dalawa.

Sabi nga ni Direk Jun, ”Parang kulang ang salita para maiparamdam ko kung gaano kami kasaya sa kanya, how rewarding the experience was working with a star like Sarah Geronimo. Napaka-professional, very committed. Marami kaming hininging araw labas doon sa shoot para mag-reasearch, para mag-bond sa aso, and ibinigay niya lahat iyon with no questions asked. And then napakatalino.”

Samantala, napatunayan pa ni Direk Perci kung bakit mahal ng fans si Sarah matapos ang premiere night nila noong Lunes ng gabi sa SM Cinema.

Sa post niya sa kanyang Facebook account, sinabi nito kung paanong walang kaarte-arte sa katawan si Sarah, kung gaano ito kasimple, at kung paanong hindi ipinaramdam ang pagiging isang malaking artista.

Pinuri rin ni Direk Perci ang pagtutok ni Sarah sa pagtatrabaho gayundin sa pagpapahalaga sa kanyang fans. Dahil dito, nalaman ni Direk Perci kung bakit mahal ng fans si Sarah.

Narito ang kabuuang post ni Direk Perci, ”I had a Notting Hill moment tonight. Since January I was with this girl at meetings, at script readings, at the look test and at 25 or so days of filming. She was so down to earth and so simple and unassuming. She didn’t make anyone feel that she was bigger than any of us. She was there to work, like all of us. And we simply had a good time doing so.

Then tonight we went to the holding area and saw her all glammed up. The guards lined up and escorted us out the hallway and we emerged here, with all the screams from all the fans. And she was switched on. She worked the crowd and cameras like the pro she is. And I looked at the girl I knew and here she is now… enchanting, dazzling, a star.

Now I know for sure why people adore Sarah G.”

Palabas na sa mga sinehan ang Unforgettable simula ngayong araw, Oktubre 23 at tampok din sina Regine Velasquez, Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, at Meg Imperial. Mula ito sa Viva Films at The IdeaFirst Company.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …