Saturday , November 23 2024
Leni Robredo Bongbong Marcos

Ang tunay na panalo at tunay na sinungaling

SA PAGLABAS ng ulat sa protesta ng natalong kandidatong si Bongbong Marcos laban kay Bise Presidente Leni Robredo, dalawang bagay ang ating napatunayan:

Una, walang duda ang pagkapanalo ni VP Robredo noong halalan ng 2016;

At pangalawa, malinaw na bihasa talaga sa pagsisinungaling ang mga Marcos.

Nakahinga nang maluwag ang kampo ni VP Leni matapos ilabas ng Korte Suprema, na umuupong Presidential Electoral Tribunal, ang ulat ng recount sa tatlong pilot provinces — Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental — na napili ng talunang kandindatong si Bongbong Marcos sa kaniyang protesta.

Sa ulat na inilabas ng PET, lalo pang napa­tunayan na talagang nanalo si VP Robredo noong 2016 at pumalo pa sa higit 15,000 ang botong nakuha niya matapos ang recount sa tatlong probinsiya na itinuturing na baluwarte ni Robredo at ng kaniyang partido.

Naglabasan naman muli ang dating panayam ni Marcos at ng kaniyang abogadong si Vic Rodriguez na pinasisinungalingan ang 15,000 botong lamang ni VP Leni.

At matapos lumabas ang ulat, tinawag ng kampo ni Bongbong na “fake victory” daw ang pagkapanalo ni VP Leni.

Hindi ba’t ito ang tipikal na sagot ng mga pikon at talunan?

Pero gaya nga ng hirit ni VP Leni, ilang panalo ba ang kailangan para matanggap ni Bongbong na siya ay natalo sa halalan?

Kitang-kita naman sa ulat kung ano ang katotohanan sa resulta ng botohan.

Sa katunayan, parehong representado ang kampo ni Bongbong at VP Leni, pati na rin ang mga representante ng PET, sa naganap na recount kaya hindi maaaring may sarili silang bersiyon ng katotohanan.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang pagsubok sa kampo ni VP Robredo. Bago pa man isina­publiko ng Korte Suprema ang ulat ng recount, mariin nang iginigiit ng kampo ni VP at ilang mga eksperto na isa lamang ang dapat na aksiyon ng PET sa protesta ni Marcos — ibasura ito.

Dahil kung susundin ang sariling panun­tunan ng PET, dapat makabawi nang malaking boto si Marcos sa recount para gumulong ang kaso.

Ngunit kabaliktaran ang nangyari at si VP Robredo pa ang nakarekober ng mahigit 15,000 boto.

Kaya naman isang malaking katanungan kung bakit pinahahaba pa ng mataas na korte ang proseso gayong isa lang naman ang nararapat na desisyon dito sa kasong tatlong taon nang nililitis ng PET.

Kung babalikan nga natin ang mga naunang kasong hinawakan ng PET, pinairal ng PET ang Rule 65 dahil hindi nakabawi nang malaking boto ang nagsampa ng protesta sa isinagawang recount.

Ano naman ang ipinagkaiba ng kaso ni Bongbong dito?

Sa ngayon, patuloy tayong mananalig sa kataas-taasang hukuman sa bansa, na ito ay magdedesisyon nang ayon sa nararapat.

Ngunit patuloy pa rin dapat na maningil ang taongbayan at isigaw na ibasura na ang gawa-gawang protesta ni Bongbong Marcos.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *