Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pang-iisnab ng MMFF kay Nora, nakadedesmaya

ISA kami sa napakaraming disappointed sa ‘di pagkapasok ng Isa Pang Bahaghari sa huling apat na opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2019.

Sayang, it has what it takes pa naman na maging isang karapat-dapat na festival entry kompara rin lang sa ibang pinalad na mapakasok.

Hindi namin alam kung anong criteria ang ipinairal ng komite, basta kung anuman o ano-ano ang mga ‘yon ay ‘di makatarungan.

Gusto na lang naming isipin bilang pampalubag-loob na talagang ang tinarget ng pamunuan ng MMFF ay revenue, na kailangang mag-akyat ng limpak-limpak na kita ang walong official entries.

‘Yung kay Nora Aunor nga naman, maganda nga ang pagkakagawa ay anong bentahe mayroon sa takilya? Lalo pa kung hindi naman susuportahan ng mga Noranian, ‘di ba?

Sinong mga batang karay ang kanilang mga magulang ang magtitiyaga at excited pumila sa IPB, eh, hindi naman sadyang ginawa ‘yon para sa mga bata?

Talagang lumilitaw lang ang katotohanan na ang Pasko’y para sa mga bata.

Parang ngayon lang naisnab ang isang Nora Aunor movie sa buong kssaysayan ng MMFF.

At nakadedesmaya ito, sa true lang, kahit hindi kami isang Noranian!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …