Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janah Zaplan, gustong maging successful para sa kanyang parents

NAKATUTUWA ang interview kay Janah Zaplan nina katotong Fernan de Guzman, Blessie Cirera, Boy Romero, at Joey Austria sa kanilang Youtube channel na Unlitok.

Si Janah na binansagang Millenial Pop Princess ay isang talented na 17 year old recording artist na Grade 12 sa OB Montessori, Sta. Ana. Ang pinagpipilian niyang course sa college ay Film or Tourism.

Bukod sa pagiging magaling sa pagkanta ay nagko-compose rin siya ng songs, pambato rin ang magandang dalagita pagdating sa sayawan.

Emotional si Janah sa panayam sa kanya nang usisain kung ang pagiging singer niya’y nagiging instrumento sa pagpapasaya sa ibang tao?

“Ay opo, I think so. Through my songs, through how I sing, I see people happy and proud of it and I’m really, I don’t know what to feel po, sobrang mixed emotions… To be honest, kasi until now I’m still overwhelmed of what is happening, kasi in a span of two years, I’m already here, I already reached something. And it’s something to be proud of,” sambit ni Janah.

Dito’y nabanggit din ni Janah na gusto niyang maging maayos siya sa pag-aaral at sa kanyang career. “I really don’t want to become a failure. Kasi I know how much my parents sacrificed for me, so in return I want something back for them po,” wika pa niya bilang pagpa­pasalamat sa parents na sina Mr. and Mrs. Boyet at Dencie Zaplan.

Anyway, ang third digital single ni Janah titled More Than That na komposisyon ni Paulo Zarate ay available sa iTunes, Spotify, Youtube, Deezer, at Amazon.com, tulad din ng dalawa niyang naunang single na Di Ko Na Kaya at Mahal Na Kita.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …