Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tribu ni Moj, kaabang-abang ang bagong single

NARINIG namin ang bagong single ng talented na singer/composer/comedian na si Mojack titled Gusto Mo Pero, Ayaw Ko at nagustuhan namin ito.

Nakaiindak ang song at naniniwala kaming magiging hit ito.

Actually, from Mojack ay makikilala na siya ngayon bilang Mojak na frontman ng bandang Tribu ni Moj. Inusisa namin siya sa mga pagbaba­gong ito sa kanyang career.

Sagot ni Mojak, “Reggae po ang tugtugan namin ng banda, kuya.”

Bakit siya nagbanda, ayaw na ba niyang magsolo?

“Hindi po, sa totoo lang puwede akong magbanda at puwede rin po akong mag-show bang solo kagaya ng mga iniidolo nating OPM band like si Bamboo, Kuya Mitoy, at marami pa pong iba. Ito po kasing ban­da ko ngayon ay mga reggae ang tugtugan, kaya nagus­tuhan kong grumupo uli. Bago naman po ako nag-solo, may ban­da na rin po ako rati, pero variety po kami noon. Sa ngayon, parang mas feel ko na mag-reggae, kaya heto ngayon ang napusuan ko,” aniya pa.

Paano niya ide-describe ang bago nilang single?

“Ang tema po ng Gusto Mo Pero, Ayaw Ko is for millennials na madalas hindi sila magkasundo sa mga bagay- bagay, minsan gusto ng isa, pero ayaw naman ng isa. ‘Yun po ang aming kanta, ang di sila magkaintindihan, salungat sa isa’t isa, pero tropa pa rin sila.”

Palagay ba niya ay magugustuhan ito ng millennials?  ”Mahirap pong magsalita nang tapos, kasi kailangang makuha mo ang kiliti nila. Pero kapag nagawa mo ‘yun, todo-todo ka nilang susuportahan,” nakangiting saad niya. “Sana nga po magustuhan nila dahil pangarap kong kantahan sila at mapasaya, hehehe,” dagdag pa ni Mojak

How about yung mahilig sa reggae, magugustuhan kaya ito? Eto na ba ang start nang nasabi niya noon na wish niyang ibalik ang reggae sa bansa? “Ah yes po, one hundred percent na magugustuhan nila ito, matigas na lang ang kanyang puso kapag sinabi niyang di niya gusto ang kantang ‘to. Wahahahaha! Joke lang po! Peace man, hehehe.”

Patuloy pa niya, “Yes, ito na po ang start na makatulong ako rito sa ating bansa na buhayin ang reggae music at marami pa kaming nakahandang magagandang reggae com­positions.”

Incidentally, available na sa iTunes, Spotify, at Amazons ang kantang Gusto Mo Pero, Ayaw Ko ng bandang Tribu ni Moj.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …