Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby Concepcion, gustong regalohan ng BeauteDerm sina KC, Sharon at Janice

FORMAL nang ipinakilala si Gabby Concepcion bilang bahagi ng roster ng brand ambassadors ng Beautéderm Corporation. Ginanap ang event last Saturday sa pangunguna ng Beautéderm CEO at owner na si Ms. Rhea Tan.

Isang multi-awarded actor si Gabby na ang career ay tumatakbo nang halos apat na dekada bilang isa sa pinaka­mahusay at respe­tadong aktor sa industriya.

Sa mahigit na 70 pelikulang kanyang nagawa, kinikilala si Gabby bilang isa sa pinakaguwapong ak­tor sa showbiz dahil sa ganda ng kanyang itsura at katawan.

Ibinahagi ni Gabby ang best kept secret sa pag-mature bilang actor na napanatili ang kaguwapohan at freshness lalo na ngayong may tulong na siya mula sa Beautéderm. “I feel young and I feel great,” sabi ni Gabby.

“I am energized to face the world and work. Salamat sa skin set ng Beautéderm, I can look fresh and revitalized any time of the day. I eat right and I work-out regularly and of course Beautéderm is now an irreplaceable part of my daily regimen. Ngayon masasabi ko na men can glow too!” ani Gabby.

Sa parte ni Ms. Rhea, nag-uumapaw siya sa excitement na opisyal na brand ambassador na si Gabby ng Beautéderm. “We welcome Gabby with open arms and we are so thrilled to have him onboard. Tenth year na rin namin and we are developing new products that will expand the Beautéderm line. Punong-puno ng pagpapasalamat ang aking puso,” wika ni Ms. Rhea.

Sa nakalipas na 10 taon, nasa forefront ang Beautéderm Cor­poration ng beauty and wellness industry sa bansa bilang isa sa mga pinaka-solid at pinakapinagkakati­walaang lider nito.

Samantala, nang usisain si Gabby kung sino sa tatlong naging leading lady niya ang gustong regalohan ng Beautederm products. Nabanggit niya sina Lorna Tolentino at anak na si KC Concepcion na naging leading lady din daw niya noon. Plus, sina Janice de Belen at Sharon Cuneta. Pero naalis sa list si LT dahil isang BeauteDerm ambassadress din ang aktres.

“Oo si Janice (de Belen), ate ko iyon, e,” saad ni Gabby. Pagdating kay Sharon, una muna ay umiwas si Gabby na banggitin ito. “Iyong pangatlo, sana ay matuloy ang pelikula namin… gusto ko munang tingnan kung tatanggapin niya ‘yung product,” anang aktor.

Ngunit napilitan din siyang sabihin na si Sharon ang tinutukoy niya. Nabanggit ni Gabby na noong araw pa niya gustong maging okay sila ng kanyang ex-wife. Idinagdag pa niyang nakapag-usap na sila ni Sharon, na walang ibang taong umiistorbo sa kanila.

“Next time na ma-corner ko siya Rei, isama kita, isasama ko iyong Beautederm na baka puwedeng subukan din niya ito,” pahayag ni Gabby kay Ms. Rhea na kasama niya sa table.

Ano ang ibibigay niya kina Shawie, KC, at Janice? “Well, sigurado ibibigay ko sa kanila ‘yung starter pack ng BeauteDerm, kasi nandoon na lahat. May day cream doon, may night cream, mayroong exfoliating cleaner at may soap din. ‘Yung day cream, siyempre gagamitin mo iyon ‘pag lumalabas ka. Mayroong UV protection iyon,” saad ni Gabby.

Para sa mga karagdagang balita at cool updates ukol kay Gabby Concepcion at sa Beautéderm Corporation, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautéderm sa Facebook.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …