Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Molina, keri nang magbida

INGAY NA INGAY at nangawit ang aming panga sa katatawa sa unang pinagbidahang pelikula ni Kim Molina, ang Jowable na palabas na ngayong araw sa mga sinehan, handog ng Viva Films at idinirehe ni Darryl Yap.

Mula umpisa hanggang katapusan, walang puknat ang katatawa namin dahil talagang ang gagaling ng mga artistang nagsiganap sa Jowable, lalo na si Kim. Sa galing nga ng aktres, keri na niya talaga ang magbida at pang best actress ang ipinakitang arte ha. Kung sabagay, magaling talaga si Kim na unang nakita sa jukebox musical na Rak of Aegis.

Si Kim si Elsa sa pelikula, isang certified NBSB (no boyfriend since birth) na naging lasengga dahil walang lalaking nagkakagusto. Nagtataka siya kung bakit lahat ng kaibigan niya ay may lovelife pero siya, waley. Ke gandang babae nga naman walang BF samantalang ang kaibigang beki, may BF.

Bukod sa pagtawa, pinaiyak din ni Kim ang mga nanood sa premiere night dahil sa breakdown scene niya na monologue sa loob ng sinehan, ito ‘yung “pinadudurog” niya kay Lord ang kanyang “mani.”

Ang tagpong ito ang sinasabing naka-offend na napanood sa trailer ng pelikula dahil tila nabastos daw ang simbahan. Pero dapat palang panoorin muna ang pelikula bago husgahan dahil hindi offensive ang dating ng eksenang iyon kundi hahanga at mamahalin pa si Kim. Ito kasi iyong umabot si Elsa sa pagpunta sa simbahan para magmakaawa kay Lord na bigyan siya ng boyfriend. Malalim ang hugot ng aktres at hindi lang basta ukol sa pagdurog sa “mani” ha.

Bukod dito, pinakakuwela rin ang tagpo nina Kim at Candy Pangilinan (na gumaganap na isang madre). Tinanong kasi ni Elsa si Candy kung virgin pa at kung at nagpi-finger ba. At nakakaloka ang sagot ng madre kaya hagalpakan na naman ang mga manonood. Kung ano iyon, watch n’yo dahil for sure, gugulong kayo sa katatawa.

Kaa­bang-abang din ang love scene nina Kim at Jerald Napoles. Na sabi nga, hindi ka madadala sa bedscene na ginawa ng dalawa kundi matatawa ka. Bakit? Kakaibang bed scene kasi iyon.

Maganda rin ang paghaharap nina Kim at Kakai Bautista na nanay niya sa pelikula. Bagay silang mag-ina. Ang bongga nito, pramis.

Kaya sa mga nagsasabing bastos, malaswa ang Jowable, manood muna. Dahil doon n’yo lang maiintindihan ang mga pinaghuhugutan ni Elsa.

Ang Jowable ay mula sa Viva Films na binigyan ng R-13 classification ng MTRCB dahil sa ilang maseselang eksena.

Kasama rin sa pelikula sina Cai Cortez, Chad Kinis, Fabio Ide at marami pang iba.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …