Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, balik-taping na sa Prima Donnas matapos maospital

MATAPOS maospital, balik-trabaho na ang award-winning actress na si Aiko Melendez sa kanilang seryeng Prima Donnas na napapa­nood sa GMA-7, Mondays-Fridays, 3:25 pm.

Panimulang kuwento niya sa amin, “Nakapag-taping na po ako ng Prima Donnas noong Wednesday po.”

Isinugod ni Ms. Aiko ang sarili sa ospital last week nang makaramdam ng pamamanhid sa kaliwang bahagi ng katawan. Dito’y sumailalim sa ilang medical tests ang aktres upang masigurong hindi siya nagkaroon ng mild stroke. Napag-alamang inatake siya ng complicated migraine.

Dapat ay isa si Ms. Aiko sa mga judge sa Miss World Philippines 2019 noong September 15, pero dahil sa pagkaka-ospital ay hindi siya nakadalo rito. Aminado ang aktres na nanghihinayang siya, pero napagtanto niyang dapat na mas bigyan ng halaga talaga ang health.

“Yes, may panghihina­yang na hindi ako nakapag-judge, kasi inaral ko pa naman ang mga profile ng can­didates and buti, some of my bets pumasok. On the other hand nothing can replace naman po my health na needed a much attention kaya nag-rest na lang po ako.

“Maybe next year, baka maka-judge na po ako. Ang nangyari po sa akin was a wake-up lesson sa akin, na kailangan kapag may nara­ram­daman na sa katawan po, need dapat itakbo sa hospital, iyan agad,” esplika ng aktres.

Nang medyo okay na ang aktres sa pagkaka-ospital, pinasalamatan niya sa social media ang mga taong nag-alaga, nagdasal, at nag-alala sa kanyang kalagayan. ”Just want to thank some people who never left my side. My daughter Marthena Jickain who fell asleep taking care of me. Sorry mimi di tayo naka-watch last night i will make it up to you. Sis Agnes L. Mora my bestfriend who never left my side from the time they rushed me until now. Thank you.

“And to my partner VG Jay Khonghun who took good care of me and never left me until naka-sleep ako. I slept at 6:40 am coz i was having a hard time with the numbness on my body. We only told Andre Yllana about my situation kanina coz we did not want him to worry! Praying for fast recovery! In Jesus name include me pls in your prayers. Don’t worry im feeling a lot better guys! But a prayer won’t hurt And to all those who messaged me Thank you!!! God bless you all To Jay’s family thank you sa concern.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …