Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 laborer patay sa demolisyon ng hotel sa Malate

PATAY na nang marekober ang dalawang construction workers, anim na oras matapos madaganan ng mga debris sa ginigibang lumang gusali na inookupa ng Hotel Sogo sa A. Mabini St., Malate kahapon ng umaga.

Nabatid sa ulat, tinatayang 22 trabahador ang nasa loob nang mangyari ang pagguho habang isinagasagawa ang demolisyon.

Umabot nang halos anim na oras bago tulu­yang nakuha ang labi ng isa sa biktima na kinila­lang si Melo Ison habang ang isa pang biktima na si Jerome Fabello, ay nahirapang kunin sa pagkakadagan ng debris at biga.

Sa panayam kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso, komplikado aniya ang sitwasyon ng natitira pang biktima dahil ang katawan nito ay nada­ganan ng biga kaya nahihirapan maging ang rescue team dahil maaari silang mapahamak.

Sinabi rin ng alkalde, kanilang aalamin kung may pananagutan ang contractor at pamunuan ng SOGO.

Nangyari ang paggu­ho pasado 9:00 am at nakuha ang bangkay dakong 3:14 pm.

Nagpapatuloy ang retrieval operation sa isa pang biktima na si Fabello habang isinusulat ang balitang ito.

Nabatid na ang gusali ng Hotel Sogo, ay may demolition permit na inisyu sa Golden Breeze Realty Inc.

Pansamantalang ipi­na­­sara ni Moreno ang branch sa katabing gusali na nagpapatuloy sa pag­tanggap ng guest gayong may nangyari nang pagguho.

Pinalabas din ang mga kasalukuyang naka-check in sa katabing branch para sa kanilang kalig­­tasan habang isina­sagawa ang rescue and retrieval operation sa lugar. (May kasamang ulat ni BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …