ALAM ni Tita Gloria Sevilla na she’s in good hands nang gawin ang Pista ng Pelikulang Pilipino entry, Pagbalik (Return) na idinirehe ng kanyang anak na si Suzette Ranillo.
Kahit pa ito eh, sinimulan ng ibang direktor at hindi natapos sa kung anumang kadahilanan, hindi naman ito binitiwan ni Suzette bilang pagbibigay sa wish ng inang masimulang maibahagi ang Visayan film sa mga manonood.
Ang pelikula na sumesentro sa pamilya at ng isang inang OFW na Bisaya ang salita ay sub-titled in English.
Ipinakikilala rin sa pelikula ang pamangkin ni Suzette na si Vince Ranillo who showed promise sa ginampanan niyang papel. At mukhang magtutuloy na sa pag-aartista dahil gustong sundan ang yapak ng uncle Mat Ranillo III niya.
More than the award na puwede niyang makamtan sa kanilang pelikula, mas gusto ni Tita Glo na ma-push na nang husto ang pagpapalaganap ng pelikulang Bisaya sa ating industriya.
Mahirap ba na idirehe ang sarili ang tanong kay Suzette ng mga naunang nakapanood ng kanilang pelikula?
“Hindi naman. Kasi, alam ko na rin ang gustong gawin at puntahan ng karakter. Ikalawang direction ko na ito. The first was ‘Care Home’ na ginawa namin sa Amerika. Mahirap sa parteng dalawa ang focus mo. Pero ‘yun ang challenge.”
HARD TALK!
ni Pilar Mateo