Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sue, dream come true ang pag-aaksiyon sa Alpha Kid One

SOBRANG pangarap ko pong mag-aksiyon eversince.” Ito ang tinuran ni Sue Ramirez nang makausap namin siya sa isinagawa naming set visit sa pelikula nila ni Javi Benitez, ang Alpha Kid One na idinidirehe ni Richard Somes.

Ani Sue, nakasama na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano noon subalit hindi siya nakahawak ng baril kaya rito sa pelikula nila ni Javi siya natuwa. “I think it’s another milestone for my career to actually do what I really wanted for a long time.” sambit ni Sue.

Bagamat hindi maihahalintulad sa ginawang action ni Javi ang ginawa niya, makapigil-hininga pa rin ang ipinagawang aksiyon sa kanya ni Direk Richard kaya naman kinailangan din niyang paghandaan iyon tulad ng pagpunta sa gym at pagbo-boxing.

“Hindi siya super-dooper action star, pero it’s a start,” paliwanag ng aktres na isang veterinarian doctor ang role sa Alpha Kid One.

Samantala, personal choice pala siya ni Javi para maging leading lady. “Natulat ako at na-flatter ako of course. Masaya naman at fulfilling siya kasi nga matagal ko nang gustong mag-action.”

Puring-puri naman ng aktres si Javi. “Actually, hindi ko alam ang ie-expect ko kasi we’ve never met, hindi ko pa siya nakatrabaho at hindi ko pa siya nakikita. Pero it was a surprise for me na, sobrang dedicated siya sa ginagawa niya. And hindi talaga siya nagrereklamo. Never ko siyang narinig magreklamo kahit buong araw siya nagsu-shoot kahit nga putok-araw na siya natatapos sa mga eksenang kailangang tapusin, ginagawa niya. Kaya nakahihiyang magreklamo kasi ganoon ‘yung katrabaho mo. Nakai-inspire siya na may mga taong sobrang dedicated magtrabaho at sobrang committed sa craft na pinasok.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …