WALANG mapagsidlan ng tuwa sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong dahil kasama sila sa pelikulang Mang Kepweng, Lihim ng Bandanang Itim dahil unang pelikula nila ito.
“Yes sobrang excited po because the information was very quick when they said that we are in this movie,” saad ng PBB Otso big winner na si Yamyam.
Dagdag ni Fumiya, “sobrang excited po when I heard the story (karakter nila) and this is fantasy, ‘di ba?”
“At ang nakatutuwa kasi ‘yung karakter namin (duwende) is based sa normal naming pag-uusap ni Fumiya, ha, ha, na hindi magkaintindihan, ha, ha, ha,” masayang sabi ulit ni Yamyam.
Si Yamyam ang nagkukuwento kay Fumiya kung ano ang takbo ng Mang Kepweng dahil napanood naman niya ito.
“Kaya po ipapanood ko sa kanya (Fumiya) ‘yung MK at ie-explain ko sa kanya ang kuwento,” sabi ng binatang taga-Bohol.
Walang acting workshop na dadaanan sina FumiYam dahil mas gusto ng management na raw ang pagpapatawa nila.
Hirap magsalita ng Tagalog si Fumiya at gustong-gusto niyang mag-aral.
“Hindi ko pa alam when, pero gusto kong aral-aral ng Tagalog siyempre para maging fluent,” saad ng binatang Japanese.
Hirit ni Yamyam, “yes tinuturuan ko siya, ‘di ba? I’m your mother tongue (sabay tingin kay Fumiya).”
Sabay hirit ni Fumiya, “hindi ko naintindihan.” At nagkatawanan ang dalawa.
Pero sa kabilang banda, si Yamyam ang mas natututo ng salitang Ingles at Japanese, “ha, ha, ha yeah! Kasi exchange language kami,” paliwanag ng binata.
Ipinagmamalaki ni Fumiya na may Tagalog word siyang alam, “wait, always in my interview, they asked me to say this, ‘nakakapagpabagabag’” sabay victory sign dahil diretso niyang nasabi.
Gagampanan nina Fumiya at Yamyam ang magkaibigang duwende sa Mang Kepweng ni Vhong Navarro at magkasalungat sila ng sinasabi kaya tiyak na riot ito sa manonood.
Natanong naman si Yamyam kung ano ang nabago sa buhay niya simula nang tanghaling big winner ng PBB Otso kaya ang saya-saya niya.
“Kasi ang daming oportunidad na pumasok sa aking buhay, tapos ‘yung ordinaryong estudyante biglang (nag-isip), everytime aircon, ha, ha, ha,” natatawang banggit nito.
“Hindi ko po naisip na big winner ako, sobrang nabigla po talaga ako! Hindi ko nga po gustong matulog noong gabi kasi baka mawala ‘yung (napanalunan) ko, baka magastos,” saad pa.
Pamilya ni Yamyam, dadalhin sa Maynila
Samantala, nitong Agosto 20 ay ibinigay na kay Yamyam ang napanalunang condo unit sa may E. Rodriguez Avenue, Quezon City.
“Sobrang saya po kasi iba ‘yung probinsiya na bahay namin tapos dito sa siyudad na sasakay ka pa ng elevator na may pilot (elevator boy/girl),”esplika ng binatang taga-Bohol.
Papupuntahin ni Yamyam ang pamilya niya rito sa Maynila pero depende kung magtatagal sila rito dahil tiyak na mami-miss ang buhay-probinsiya.
“’Yung business po na napanalunan ko (water refilling station) doon ko po dadalhin para mayroon silang (negosyo) ro’n,” sabi pa.
Bukod kasi sa condo unit at water refilling station ay may P2-M cash ding napanalunan ang binata at itatabi niya iyon.
Fumiya, aminadong ‘di magaling sa challenge
Anyway, isa si Fumiya sa nanalangin para manalo si Yamyam, “I (prayed), I hope Yamyam, I hope Yamyam. And when I heard his name (winner), I remembered everything inside the house, we stayed long time and outside world, we stayed together like that then we have ‘Home Sweetie Home,’ I’m so happy I feel like I’m the big winner.”
Dagdag pa, “I’m not good in challenge talaga (kaya natalo). I think if I’m good, I think I can be one of the Big 4. Congrat’s Kiara (Takashi, 2nd place).”
Kung hindi magbabago ay sa Agosto 28 ang first shooting day ng Mang Kepweng sa may Pandi, Bulacan. Ang MK ay produced ng Cineko Productions at ididirehe ni Topel Lee.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan