Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas, lalong nagpalakas… Clarkson isinali sa pool

WALA mang kasigu­rado­han sa ngayon, sumugal pa rin ang Gilas Pilipinas nang isali sa pinakabago at pinalaking training pool ang Fil-Am NBA player na si Jordan Clarkson para sa napipintong kampanya ng 2019 FIBA World Cup sa China.

Ito ay ayon sa 19-man pool na inilabas ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas kamakalawa kasali si Cleveland Cava­liers guard Clarkson.

Bukod kay Clarkson ay nasa listahan din ang iba pang bagong miyembro na sina Stanley Pringle at Christian Standhardinger gayondin ang nadagdag na manlalaro noong naka­raang buwan pa na sina Matthew Wright, Beau Belga, Kiefer Ravena, Robert Bolick at CJ Perez.

Kasama nila ang original Gilas members na sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Agui­lar, Gabe Norwood, JP Erram, Raymond Alma­zan, Troy Rosario, Marcio Lassiter, RR Pogoy, Mark Barroca at Paul Lee.

Ayon kay head coach Yeng Guiao, milagro ang hihilingin nila upang mapayagan ng FIBA na makapaglaro si Clarkson na hindi mangyayari kung hindi siya kasali sa pool kaya’t inilagay pa rin nila sa kabila ng mga pangam­ba.

Matatandaan, sa mga nakaraang taon ay patulay na naikokonsidera ng FIBA na naturalized player si Clarkson at hindi local player ng Gilas sa kabila ng patunay na purong Filipina ang kanyang ina.

Kay long-time rein­force­ment na si Blatche na nakalaan ang naturalized player position ng Philip­pine team.

“We’re still hoping that a miracle happens,” ani Guiao.

Ayon kay Guiao, back-up plan din ang pagpapa­lahok kay Clarkson kung sakaling madale ng injury si Blatche lalo’t isang bu­wan pa bago ang pres­tihiyosong World Cup na nakatakda sa China mula 31 Agosto hanggang 15 Setyembre.

Sa naturang world cup ay nasa Pool D ang Gilas at makakalaban nila ang European powerhouses na Serbia at Italy gayondin ang African powerhouse na Angola.

Inaasahang magpapa­tuloy ang ensayo ng ba­gong pool ng Gilas sa Huwe­bes bilang pagha­handa rin sa mga tune-up games nila bago ang World Cup.

Lilipad sa Spain ang Gilas sa 4 Agosto para sa pocket tournament kontra sa Congo, Cote D’Ivoire at host team na Spain.

Pagbalik ng bansa ay sasalang sa daily training camp ang Gilas bago suma­bak sa pinal na tune-up games kontra sa Australian club na Adelaide 36ers sa 23 at 25 ng Agosto bago ang pagli­pad nila sa China.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …