Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Empoy, may ibinuking ukol kay Coco

MAY guest appearance ang komedyanteng si Empoy sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Gumaganap siya rito bilang isang police asset. Puring-puri ni Empoy si Coco bilang isang aktor at direktor ng top-rating series ng ABS-CBN 2.

“Working with Coco is sobrang masasabi ko na napakagaling niya bilang aktor. Sobrang galing din niyang direktor. Siya na rin kasi ang nagsusulat ng script. Minsan siya pa ang nagwa-wardrobe roon,” sabi ni Empoy sa naging panayam sa kanya ng PUSH.com.

At sa kanyang karera bilang isang komedyante, hanga rin si Empoy sa dedikasyon ni Coco para sa programa.

“Natutuwa ako sa kanya kasi first time kong nakakita ng ganoon na artista, which is hindi naman kami nagkakalayo ng edad, proud ako sa kanya,” sambit pa ni Empoy.

Isa rin sa ikinahahanga ni Empoy kay Coco ang pakikipag-bonding nito sa kanyang mga co-star.

“Actually magkakaiba kami ng tent, pero minsan may time na pinapupunta niya ako sa tent niya. One time, pinapunta niya ako sa tent niya roon niya ako pinag-dinner. Kuwentuhan kami habang pinanonood ang ‘Probinsyano’. Nagkuwentuhan kami about life, kung saan siya galing,” kuwento pa ni Empoy tungkol kay Coco.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …