Tuesday , April 15 2025

Mag-ina tumilapon sa bangga ng jeepney, Baby utas ina kritikal

PATAY ang isang-buwang gulang na sanggol habang kritikal ang kala­gayan sa pagamutan ng kanyang ina matapos mabangga ng humaharurot na pampasaherong jeep habang naglalakad sa gutter ng kalsada sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Isinugod ng nagres­pondeng JRY ambulance si Kaehll Ejija Mariano sa Navotas City Hospital na hindi na umabot nang buhay sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Patuloy na inoobser­bahan sa nasabing ospital ang kanyang ina na kinilalang si Angelica Ejija, 22-anyos, residente  sa 098 Pescador St., Brgy. Bangkulasi sanhi ng grabeng sugat at bali sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa nakarating na ulat kay Navotas chief of police P/Col. Rolando Balasabas, naganap ang insidente, dakong 6:40 am sa kahabaan ng Road-10, Pescador, Brgy. Bang­kulasi.

Karga umano ng kanyang inang si Angelica ang kanyang baby ha­bang naglalakad sa gutter ng kalsada sa naturang lugar pauwi nang maha­gip ng humaharurot na pampasaherong jeep patungong C-4 Road.

Sa lakas ng pagka­kasalpok, tumilapon si Angelica at kanyang baby nang ilang metro na dagliang ikinamatay ng kanyang anak.

Kusang-loob na sumu­ko sa pulisya ang suspek na kinilalang si  Reymond Villanueva, 45-anyos, residente sa Inocencio St., Brgy. 93, Capulong, Tondo, May­nila at  driver ng pampa­saherong jeep, may plakang TVR-259.

Sinabi ni Col. Ba­lasabas, si Villanueva ay mahaharap ngayon sa kasong reckless impru­dence resulting in homi­cide at serious physical injury sa Navotas City Prosecutor’s Office.

ni ROMMEL SALES

About Rommel Sales

Check Also

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *