Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Not-so-young actor, naibenta ang kotse dahil sa pagkakatengga ng career

 

KAWAWA naman itong isang not-so-young actor (NSYA) dahil naghihirap na pala siya. Naibenta na niya ang kanyang kotse sa kawalan ng trabaho.

Noong imbitahan siya sa isang event for free, dahil malapit naman niyang kaibigan ang nag-invite, at isa naman itong charity event ay tumanggi siya. Sabi niya, gusto naman daw sana niyang pumunta, kaso malayo ang tinitirhan niya, wala na raw siyang kotse, at malaki raw ang magagastos niya kung magta-taxi siya.

Nagulat daw ang kaibigan ni NSYA sa sinabi nito. Tanong niya rito, nasaan na ‘yung kotse? Sagot ni NSYA, ibinenta na raw niya dahil walang dumarating na project sa kanya ngayon, kaya naubos na ang kanyang ipon.

Gulat na gulat ang kaibigan ni NSYA sa kanyang narinig. Nangako na lang ito na ‘pag may event siya na may talent fee, ay lagi niyang kukunin si NSYA.

Sino ang bida sa aming blid item? Mahusay siyang umarte, In fact, isa siyang award-winning actor. Kaya lang, dahil nga sa pagiging pasaway niya, kaya wala nang kumukuha sa kanya. Tengga ang kanyang career.

(Rommel Placente)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …