Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anthony, unang PBA Player of The Week ng 2019

BAGONG season ngunit parehong galing ang ipinamalas ni Sean Anthony ng Northport matapos hirangin bilang unang Cignal – PBA Press Corps Player of the Week ng 2019 PBA Season.

All-around performance ang ipinakita ng 6’4 forward na si Anthony sa unang linggo ng 2019 PBA Philippine Cup na nawalis ng koponan niyang Northport ang kanilang unang dalawang laban.

Nagrehistro si Anthony ng pambihirang 20.5 puntos, 7.0 rebounds, 5.0 assists at 4.0 steals panalo ng Batang Pier kontra Blackwater at NLEX upang makasalo ngayon sa tuktok ng All Filipino conference standings ang Phoenix hawak ang parehong 2-0 baraha.

Naglista si Anthony ng 19 puntos, limang rebounds, limang assists at isang agaw sa malaking 117-91 debut win ng Norhtport noong nakaraang Miyerkoles kontra sa bagong bihis na Elite.

Makalipas ang apat na araw, hindi pa rin naawat ang Filipino-Canadian na si Anthony nang magpakawala ng 22 puntos, siyam na rebounds, limang assists at pitong steals upang giyahan ang 95-90 eskapo ng Batang Pier kontra sa NLEX nito lamang Linggo.

Bunsod nito, naibulsa ng Batang Pier (2-0) ang pinakamaganda nitong season start sa loob ng dalawang taon.

“We know Sean, laban nang laban lang,” ani Jarencio sa 2010 sixth overall draft pick na si Anthony.

“Sixth man nga namin siya pero nag-deliver, nag-double-double. ‘Yung hustle, ‘di tumitigil.”

Hindi naman inako ni Anthony ang pag-angkla sa magandang simula ng Northport bagkus ay pinuri ang buong Batang Pier sa pag-arangkada nila sa 2-0 start.

“It’s not an individual performance. I think the whole team stepped up. That has been the difference for us so far. But moving forward, we just have to continue to do that,” aniya.

Dinaig ni Anthony ang mga kakamping sina rookie Robert Bolick at Mo Tautuaa gayondin sina Jason Perkins, Alex Mallari at Justin Chua para sa linggohang parangal na iginagawad ng mga mamamahayag mula sa diyaryo at online na regular na sumusubaybay sa pinakamatandang pro-league sa Asya.

Tatangka ang Northport (2-0) na mapalawig sa tatlong sunod na tagumpay ang kanilang kampanya kontra sa palabang Columbian (1-0) sa darating na Biyernes sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

ni  John Bryan Ulanday

 

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …