Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Subscribers ng Cebuana nakompromiso sa ‘data breach’

INIIMBESTIGAHAN ng pamahaalan ang naganap na ‘data breach’ na ini­anunsiyo ng kompanyang Cebuana Lhullier (Cebuana) nitong Saba­do, na sinabing apektado ang personal data nang higit 900,000 nilang kliyente.

Inihayag ng Cebuana na maaaring makuha ang mga personal na impor­masyon gaya ng kaa­rawan, address, at source of income ng mga kliyente sa nakompromisong e-mail server.

Sa opisyal na pahayag ng Cebuana, natuklasan nila ang data breach na nakaapekto sa e-mail server nila na ginagamit nila sa marketing.

Iginiit ng kompanya na sa kabila ng date breach, nananatiling ligtas ang transaction details ng kanilang mga pangu­nahing server.

Ipinaliwanag ni National Privacy Com­mis­sioner Rolly Liboro, dapat matukoy isa-isa ang mga apektadong datos o kliyente upang maiwasan ang mas malalang pinsala.

Ayon naman sa isang eksperto, maaaring ma­kalap ang ilan pang pribadong impormasyon ng kliyente dahil sa data breach.

“Ito kasing mga datos na ito na naee-extract like bank accounts maaari kasing ma-monetize para manakaw sa mga tao,” ayon kay Henry Lee, senior cybersecurity con­sultant ng Indra Philip­pines.

Hiningi ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang tulong ng Anti-Cyber­crime unit ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para makipag-ugnayan sa Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pang mga institusyong pinansiyal upang imbes­tigahan ang breach.  (KLGO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …