Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claire Ruiz, nagdagdag-saya sa Intelle Builders Christmas party

PINASAYA ng Kapamilya actress na si Claire Ruiz ang katatapos na Christmas Party/Thanksgiving Party ng Intele Builders & Development Corporation na pag-aari ng napakabait at very generous na mag-asawang sina Madam Cecille at Sir Pete Bravo na ginanap sa Bataan White Corals Beach Resort  last December 15-16.

Tatlong awitin ang inihandog ni Claire sa mga tauhan ng Intele na sinabayan pa ng sayaw ng dalawang guwapitong anak nina Madam Cecille at Sir Pete na sina Jeru at Miguel with back-up dancers (Bravo’s Angels). Nag-Momoland sila kasama ang ibang kids at ang guwapong anak pang si Mathew.

Bukod kay Claire, naging espesyal na panauhin din ang former Kim ng Ms Saigon at napakahusay na singer na si Ima Castro at si Brgy. LSFM DJ/DZBB anchor Janna Chu Chu at nagsilbing host ang actor/host/comedian na si Shalala at ang singer na si Ej.

Habang nagpakitang gilas naman sa kanya-kanyang production number ang  bawat department ng Intelle na ang premyo ay tumataginting na P15k, P10k, 7K, at 5K. At dahil sobrang generous ng mag-asawang Madam Cecille at Sir Pete. Walang umuwing empty handed dahil lahat ay nabunot sa raffle.

Lahat din ng mga batang naroon ay tumanggap ng tig-P200 at may plus pang bonus para sa lahat ng tauhan.

Present naman at sumuporta ang mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa mula sa kanyang bestfriend na si Sir Raoul Barbosa, Jeffrey Dizon, Raymund Saul, Ninang Erinda Sanchez, Rene Vismanos, Ninong Benjamin Montenegro, Ralston Segundo atbp…

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …