Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Toni Gonzaga Paul Soriano Sam Milby
Toni Gonzaga Paul Soriano Sam Milby

Toni, ‘di pinakialaman (sa creative freedom) ni Direk Paul; Sam, personal choice ng asawang direktor

SA Q & A presscon ng Mary, Marry, Me, nabanggit ni Toni Gonzaga-Soriano na hindi nakialam ang asawang si Direk Paul Soriano sa shooting ng pelikula nilang entry sa 2018 Metro Manila Film Festival na idinirehe ni RC delos Reyes.

May pagkakataong nagtanong si Toni sa asawa pero sinagot siya ng, “I have nothing to do with that, ask your creative.”

Ang paliwanag ni Mrs. Soriano kaya hindi nakialam si Paul, “binigyan niya ako ng creative license o freedom. Sabi niya kasi, ‘since this is your production company, bibigyan kita ng freedom to explore and do your own creativity and express the way you want to express it so whatever the result, you will learn from it.’”

Nabanggit pa na magkaiba kasi sila ni direk Paul, “’yung mindset kasi niya (Paul), pang global audience, eh, sanay ako na alam ko ‘yung market sa Philippines, hindi naman sa hindi siya makatutulong. I think hindi rin magiging useful for the whole movie kasi wala nga siya from the very start ng movie. Hindi niya alam ang pinagdaanan.”

Matagal na palang nasa utak ni Toni ang kosepto ng Mary, Marry, Me at kaya ito ang nasa isip niya ay dahil gusto niyang makasama ang kapatid na si Alex Gonzaga sa pelikula at dahil sanay ang una sa romantic comedy film kaya ito ang naisip niya na magkakagusto sila sa isang lalaki na gagampanan ni Sam Milby.

“It’s been at the back of my head na i-try kasi I have so many concepts na ipini-pitch ko for Star Cinema, then na-approve ‘yung iba. So hopefully, matuloy. Under Star Cinema pa rin naman ako, so puwedeng co-prod with TINCAN.

“Actually, before we did the Mary, Marry, Me, nagpaalam ako sa Star (Cinema), ipinitch ko pa nga ito kina Inang (Olive Lamasan), kina ma’am Charo (Santos-Concio), tapos nagbigay pa nga sila ng inputs, tinulungan din ako nila Inang at nagbigay sila ng suggestions para mapaganda ‘yung pelikula. At saka noong time na ‘yun hindi pa naman nila alam na mag-MMFF din kami,” kuwento ni Toni.

Wala naman siyang nakikitang magiging conflict ito sa Star Cinema, katunayan, may gagawin siyang pelikula sa 2019.

Sam, personal choice ng asawang direktor

Samantala, paulit-ulit na tinanong sa magkapatid na Alex at Toni ang ukol sa kissing scene kay Sam pero hindi nila ito sinagot ng diretso.

“Hindi ko masagot ‘yung mga kissing scene, basta panoorin n’yo na lang, hindi ko masabi na wala o mayroon. Panoorin n’yo ‘yung movie tapos tingnan n’yo kung na-justify kung ano ‘yung sagot namin doon,” say ng aktres.

Sinabi rin ni Toni na si direk Paul mismo ang pumili kay Sam para maging leading man nila ni Alex dahil nang mapanood nito ang music video nila sa pelikulang Big Love ay humanga ang director.

“Believable raw kami ni Sam, pati siya napaniwalang gusto namin ang isa’t isa kaya raw siguro click ‘yung loveteam namin,” say ni Toni.

Natanong din si Toni kung paano siya ina-appreciate ng asawa.

“Everyday si Paul, everyday ina-affirm niya ako na I’m doing a good job, I’m doing so well, I’m proud of you.  Ang affection ni Paul is through words and affirmation. Ganyan ang pag-show niya ng love.  Hindi siya mahilig sa material, more on service and affirmation. Ako ‘yung pa- material, ha, ha, ha,” masayang sagot ni Mrs. Soriano.

Dagdag pa, “hindi kasi ako ma-words, kasi sa rami na ng nasabi kong lines sa pelikula at baka ‘pag may sinabi ako, iisipin niya, ‘huh, sa script mo lang nakuha ‘yan.’ Baka kasi ganoon ang isipin niya (Paul).”

Pinakamahal na naibigay na regalo ni Toni sa asawa ay relo, samantalang siya naman ay nakatanggap ng mamahaling van noong ikinasal sila ni Paul.

Ano naman ang wedding gift ni Toni kay Paul, “’yung sarili ko, priceless ‘yun dahil sa kanya ko lang naisuko ang Bataan.”

Paano maglambingan sina Toni at direk Paul, “paano nga ba? Hindi kami super chummy-chummy, hindi kami ganoon (gabi-gabi), normal lang kami.”

Anyway, bukod kina Alex at Sam, kasama rin sa peliku sina Melai Cantiveros, Bayani Agbayani, at Moi Bien. Mapapanood na ang Mary, Marry, Me simula Disyembre 25 nationwide.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …