Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Satur Ocampo GMA Gloria Macapagal-Arroyo
Satur Ocampo GMA Gloria Macapagal-Arroyo

Tulong ni SGMA hiniling sa paglaya ni Ka Satur et al

NANAWAGAN sina Gabriela Rep. Arlene Brosas at Emmi de Jesus kay House Speaker Glo­ria Macapagal-Arroyo na gumawa ng paraan para sa agarang paglaya nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Rep. France Castro.

Sina Castro, Ocam­po at 72 pang iba ay hinuli ng mga pulis sa Talaingod, Davao del Norte. Sina Castro, Satur, at ang iba pang mga indibiduwal ay dumalo sa isang “soli­darity mission” para suportahan ang mga estudyante ng Lumad school na isinara ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, ang convoy ng solidarity mission ay hinarang at pinagbabato ng hinihinalang mga miyembro ng parami­litary group na Alamara. Pinako aniya ang mga gulong at pinagbabasag ang mga salamin ng sasakyan nina Castro at Ocampo.

Sinabi ni Tinio, imbes habulin ang mga umatake kina Castro at Ocampo, sila ang dinala sa estasyon ng pulisya at inihahanda ang kasong human trafficking at child abuse.

Kaugnay nito, hina­mon nina Brosas at De Jesus si Arroyo na tuma­yo para sa karapatan ng mga miyembro ng Ka­mara na umiikot sa mga lugar na kailangan sila.

“Speaker Arroyo should tell the police and military to respect the rule of law, and the rights of legislators and the public, especially in martial law-infested Mindanao,” ani Brosas at De Jesus.  

(GERRY BALDO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …