Friday , November 22 2024

Dureza may delicadeza

ANG mga kagaya ni resigned Presidential Adviser on the Peace Process secretary Jesus Dureza ang nakapanghi­hinayang na nawala sa burukrasya.

May paninindigan at may delicadeza na hindi natin nakikita sa ibang opisyal ng pamahalaan lalo na yaong mga matindi kung magkapit-tuko.

Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbi­bitiw ni Dureza matapos sibakin ang dalawang opisyal ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) dahil sa korupsiyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte, ikinalulungkot niyang tanggapin ang pagbibitiw ni Dureza dahil nadamay lamang sa isyu ng korupsiyon sa tanggapang kanyang pinamu­munuan.

Inihayag ito ng pangulo kasabay ng pagsibak kay Usec. Ronald Flores, Undersecretary, Support Services and PAMANA National Program Manager, at Atty. Yeshter Donn Baccay, Assistant Secretary, Support Services and PAMANA Concerns.

Anang Pangulo, wala siyang plano na ilipat sa ibang puwesto si Dureza dahil walang bakanteng posisyon sa kanyang gabinete.

Pero malamang, hindi  rin tatanggapin ni Dureza ang estilong recycle na posisyon para sa kanya, kasi nga may delicadeza siya.

Congratulations Sir, you’re one of a kind!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *