Friday , November 22 2024
dengue vaccine Dengvaxia money

Aquino, DOH off’ls target sa Senate reinvestigation

Si dating Pangulong Benigno Aquino III at isang mataas ng opisyal ny Department of Health ang balak panagutin ng Kamara sa muling pag­bu­­­­bukas ng pagsisiyasat sa isyu ng Dengvaxia.

Ayon sa pinuno ng House Committee on Good Government kulang ang isinumiteng com­mittee report ng naka­raang pamunuan ng komite kaya bubuksan niya itong muli.

Ayon kay Rep. Xjay Romualdo, wala sa report ‘yung bahagi ni Aquino at ‘yung nagmungkahing magbigay na lamang ng vaccine ang DoH dahil may natitira pang pondo.

“Ang ginawa ko naman, ini-review ko ang documents at ang mga nangyari sa previous hear­ings. Parang nakita ko na may kulang na information,” ani Ro­mualdo sa isang pana­yam sa radyo.

“Kailangan kong mag­­­tanong ng ilang questions to some resource persons para mabuo kung ano talaga ‘yong kuwento, kung ano talaga ang nangyari. Kung saan nag-umpisa ang ideya na bumili ng dengvaxia, mag- imple­ment nang ganitong pro­gram and ano ang nang­yari in the course of the implementation bakit nagkaganon,” dagdag ni Romualdo.

Nakatakda sa 20 at 21 Nobyembre ang pag­dinig kasama ang House Committee on Health.

Gusto, aniyang, i-trace ang ideya kung sino talaga ang nag-suggest na bumili tayo ng dengvaxia, may isang office sa DOH na roon talaga nanggaling ‘yong idea.

Ani Romualdo, pan­sin din niya na nag-start gumalaw ang program pagkatapos ng miting ni President Aquino at ng mga opisyal ng Sanofi sa France. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *