Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regional Engineering Brigades isulong — solon

IMINUNGKAHI ng isang kongresista sa Isabela na magkaroon ng engineering brigades ng Armed Forces of the Philippines sa bawat rehiyon ng bansa upang agarang makaresponde ang gobyerno sa mga sakuna.

Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano ang mga engineer ng Armed Forces ang dapat ma­ngunang magres­ponde sa mga sakuna kagaya nitong nakaraang pa­nanalanta ng bagyong Rosita na nagdulot ng malaking pinsala sa Norte kasama ang Isa­bela.

Ayon kay Albano ang engineering brigades ay makatutulong din sa rehabilitasyon ng mga bayang apektado ng bag­yo at iba pang pin­sala.

Umapela si Albano sa AFP at sa Department of National Defence na ayusin ang mga kaga­mitan ng engineering bri­gades para makapag­res­ponde agad sa mga saku­na.

Matatandaan, ani Albano, ang relief goods ay kadalasang naaantala dahil hindi madaanan ang mga kalsada.

“There should be at least one military engi­neering brigade in every region that is fully equipped and ready for disaster response mis­sion,” ani Albano.

Sa ngayon aniya, lima lamang ang engineering brigade ng AFP na kai­langang dagdagan at i-modernize.

“The AFP moderni­zation program should include the procurement of new equipment for its engineering units. The military should be pre­pared not only for internal and external defense but for civil defense as well,” giit ni Albano.

Puwede, aniya, humi­ngi ng tulong ang AFP sa Estados Unidos, Japan, Australia at iba pang kaalyado para ayusin ang engineering brigade.

“Sa bawat bagyo na dumaan sa bansa  nag­kakaproblema tayo sa  distribution at delivery ng pagkain, gamot at tubig dahil hindi ma­daanan ang mga kal­sada,” ani Albano.

“Kung may engi­neer­ing brigade sa bawat rehiyon, maiiwasan ang ganitong problema,” dagdag ni Albano.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …