Monday , May 12 2025
AFP Bureau of Customs BOC

AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan

NANINIWALA si Sena­dor Kiko Pangilinan na kaduda-duda at nakali­ligalig ang pagsasailalim sa pamamahala ng Armed Forces of the Philippines sa ahensiyang revenue-generating.

“Ano ang alam ng AFP sa pangongolekta ng buwis at tarifa? Lalo lang pinalalakas ang mili­tarisasyon sa burakrasya. Ano susunod? BIR? Immigration? Hindi lahat ng militar mahusay sa pagpapatakbo ng gob­yerno, tulad ng palpak na si Capt. Faeldon at Si Gen. Lapeña ng BoC, at Lt. Col. Jason Aquino ng NFA,” ayon kay Pangilinan.

“Ikalawa: Kahit sino pa ang magpatakbo ng Bureau of Customs, kung ang Malacañang mismo ay kinokonsinti at hindi pinarurusahan sina Faeldon at Lapeña at walang maipakitang pangil at galit laban sa mga drug lord, wala rin mangyayari sa paglipat sa AFP dahil susunod lang ito sa mga utos ng Malacañang.”

“Ikatlo: Hindi pagli­pat sa anomang ahensiya ang solusyon kundi ang ipa­kita na ang mga palpak na opisyal ng BoC at mga kasabwat nitong mga sindikato na parehas na malalaking tao, ang parusahan at pana­gutin,” diin ni Pangilinan.

Aniya, parang mata­pang na desisyon ang pagtalaga sa AFP para mangasiwa sa BoC ngu­nit ang kailangan ay tunay na mga solusyon, at hindi palabas.

Sa panig ni Senadora Riza Hontiveros, sinabi niyang nakadedesmaya ang naging desisyon ni Pangulong Duterte.

(CYNTHIA MARTIN)

Martial law sa Customs

AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto

AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto

Customs sa AFP pakitang tao? — Solon

Customs sa AFP pakitang tao? — Solon

About Cynthia Martin

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *