Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lapeña umaming nalusutan ng P6.8-B shabu (Sa Technical examination ng DPWH sa 4 magnetic lifters)

KOMBINSIDO si Cus­toms Commissioner Isidro Lapeña na may lamang bilyon-bilyong halaga ng shabu ang apat na mag­netic lifters na nakalusot sa Aduana.

Sinabi ni Lapeña sa press briefing sa Palasyo kahapon, batay sa resulta ng technical examination ng Bureau of Equipment ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa apat na magnetic lifters na natag­puan sa GMA, Cavite kamakailan, idinisenyo ito hindi upang magkar­ga ng scrap metal kundi para magkaroon ng laman sa loob na may takip na hindi makikita ang loob maging ng x-ray machine.

Nauna rito’y itinanggi ni Lapeña na may lamang shabu ang magnetic lifters dahil nang madis­kobre ito ay walang laman at ang resulta ng swab examination ay negatibo sa shabu.

“Because of the investigation that has been ongoing and then yesterday, when there was a presentation by the Department of Public Works Highways – Bureau of Equipment, a technical examination on the magnetic lifter, it turned out that, iyong mga magnetic lifter na iyon are not capable of –to be used in carrying scrap metal. So it was  designed na iyong laman sa loob, it’s designed to contain cargo and then with the presence of iyong lid na nakita roon, the lid is also designed to con­ceal  whatever is  inside. So hindi iyon makikita – even x-ray,” ani Lapeña.

“Kaya iyon ang nangyari doon – lumusot, hindi nakita because of the lid. Iyon na iyon ang resulta ng examination ng DPWH. That is why, when that was presented, that is a convincing circum­stantial evidence that made me believe na may­roong laman nga iyong magnetic lifter na apat.  That is why, I changed my position. I said, I am now convinced na there is a – may laman iyon,”  dagdag niya.

Tinukoy ni Lapeña na kasabwat ni Jimmy Guban sina ‘Dimayuga at Gor­gonio’ na pawang mga kawani ng Bureau of Customs sa pagpapa­lusot ng mga kontra­bando at kasapakat nila sa drug syndicate sina dating PDEA Deputy Ismael Fajardo at dating police colonel Eduardo Acierto.

Ani Lapeña, isasama sa x-ray scanning sa Bureau of Customs ang mga tauhan ng PDEA upang maiwasan maulit na makalusot ang illegal drugs.

(ROSE NOVENARIO)

Lapeña sinibak ni Digong sa Customs (Inilipat sa TESDA)
Hepe ng Dangerous Drugs panel sumuporta kay Mangaoang
Hepe ng Dangerous Drugs panel sumuporta kay Mangaoang
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …