Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosanna Roces

Rosanna, wala ng keber kung ‘di na seksi

PARANG lalong lumobo ang katawan pero maganda pa rin si Rosanna Roces.

Aminado ang dating reyna ng hubaran na keber niya kung nawala man ang dati niyang pigura. Ipinauubaya na lang niya ang pagpapaseksi sa mga batang artista, total naman ay ”been there-been that” na siya roon.

Halata ring isang “new and improved” Rosanna Roces na siya ngayon, salamat sa kanyang lesbian partner na siyang dahilan ng kanyang pagiging positibo sa buhay ngayon.

“Alisin na ‘yung mga negative,” sey ni Osang na kabaligtaran kung sino siya noong kasagsagan ng kanyang kasikatan.

Dalawang tao sa showbiz na minsang naging malapit sa puso niya ang nakasunugan niya ng tulay: ang dating manager na si Lolit Solis at kolumnistang si Cristy Fermin.

Ewan kung sa tagal na rin ng panahon ay bukas ang isip ni Osang sa posibleng pagkakasundo sa mga ito. Or ang tanong: willing bang makipagbati sina Lolit at Cristy sa kanya?

After all, may kasabihan ngang, ”there are no permanent friends or enemies, only interests.”

Sa tantiya namin ay mukhang open naman si Osang sa posibleng pagkakaayos nila. ‘Yun nga lang, siya ang dapat sigurong mag-initiate.

Isama na rin natin ang nakairingan din ni Osang noon na si Sabrina M na nagbabalik-showbiz din tulad niya. After all din, kapwa lang din naman sila nasadlak sa isang madilim na bahagi ng kanilang buhay.

#Alamna.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III


Twin victory sa 2 prestihiyosong international beauty pageant, posible
Twin victory sa 2 prestihiyosong international beauty pageant, posible
Bernard Cloma, may impostor?
Bernard Cloma, may impostor?
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …